Saturday, September 23, 2006
â 12:35 PM
Let me start my story with a Thank you!
Thank you Lord.
A lot of things to be thankful of:
I have eyes to see things clearly.
I have ears to hear even a small single word.
I have nose to smell those sweet fragrances.
I have hands to type this story.
I have feet to go to those events, tapings, guestings of my faves.
I have a mind to rule over my senses.
And I have a heart, which can feel the sincerity, the sympathy, the longing and the love.
Friday, 7am. Katext ko na si Ate Chelyn, nagbigay na rin sya ng instructions, 8am nasa MRT station na ako, papunta Cubao para sumakay ng LRT2, na first time ko na gagawin. Dating ako sa Cubao station ng 8:40am since ang tagal dumating ng tren, then sakay ng LRT, para pumunta ng Recto, nakrecive ako ng txt from Ate Chelyn na wala pa pala dun sina Bea at JLC, dahil naiba yung call time nila, na dapat 6:30am nagging 10am na. Pagdating ko ng Recto hinanap ko na yung pinagseset upan, since maaga pa naman at wala pa yung 2 dun, ginawa ko muna yung mga dapat kong gawin. 10:10am lumabas na ako ng Isetann at nakita ko na nga yung mga sasakyan ni Bea at JL. Parehas na Starex ang mga dala nila, magkatabi pa sa parking. Tulog pa pala si Bea at JL, dahil maagang nagsigising dahil akala maaga call time. Si JL nandun nap ala 8am pa lang, nakita ko na rin sina Direk Cathy at mga staff and crew, nagreready na silang magset up ng mga cameras ang lights.
Dumating na sina Ate Malou at Ces, chika chika muna, then punta na kami sa standing area nila, nakasalubong naming si Kuya Ferry, chika chika muna kami, at dun ko nga nalaman na maaga pa lang nandun na sila. Kaya tulog pa rin si JL. At reshoot nap ala yung tinataping nila, dahil nirevise daw yung script. Grabe ang init ng umagang ito, tagos sa balat. Kaya silong muna kami sa harap ng Cinerama. Kwentuhan muna kami, yung mga hawi boys, ayun at pinapaalis kami sa lugar naming, kita daw kami sa camera. Lumabas na sina Bea at JL, sigawan mga tao, dami kong naririnig na mga side comments.. ‘Ganda daw ni Bea, tisay na tisay, si Jl daw ang gwapo at ang tangkad nila parehas’ nagrehearse muna sina Bea at JL bago magtake, lumipat kami ng lugar, hinanap ko si Ate Chelyn, nakita ko syang nakaupo at may hawak na payong, pati yung BIGGG mug ni Bea dala nya rin, nagkumustahan kami, nung hinahawi kami ng hawi boys, sabi ni Ate Chelyn, “Kasama ko sila, kasama yan ni Bea.” Nagpasensya yung hawi boy. Dun kami sa kitang kita ang moments nila, syempre di makakaligtas sa mata ko yun. Start na ng take nila isang scene lang itong kukunan pero sbrang tagal, dahil yung mga taong nanonood pasaway. Nakailang takes sila sa isang scene na ito.

Between takes anong nangyayari? Alam ko yun ang gusto nyong malaman!hahahaha, nagkukulitan sila, yung pics nila sa Sept issue ng SSM yung sinusuntok ni Bea si JL, ayun nakita ko ng personal, hehe, may time pa na nagsasayaw si Bea, loko talaga si JL kahit kailan. Pero todo alalay kay Bea while naglalakad sila.After nung take nila, umupo muna sila sa may gilid, lumapit si Ate Chelyn, at sumunod kami, nag-HI kami sa 2, at ang Lloydy ang usual taas eyebrows nya, nakita ko na naman, si Bea walang tulog pero super BEAutiful pa rin. Medyo busy sila ditto, pero nagkahance na makausap ko si Bea kahit ilang mins. lang. Busy kasi yung 2 dito, kaya pinuntahan ko muna sa Kuya Boy para alamin next location nila. Then sumigaw na yung director na lunch break na daw muna, then kita ko tumayo na si Bea at JL, nginitian ako ni Bea while kausap ko si Ate Chelyn, si JL nasa likod ni Bea, nasa daan kasi kami kaya ang Lloydy kaya hold nya balikat ni Ate Malou na parang nakikiraan, sabay tapik nya ng balikat ko. :love:
Lunch Break muna sila, pati kami.
Nagtxt na sina Kuya Boy at Ate Chelyn na punta na silang Binondo. Punta kagad kami ng Binondo, tinawagan ni Ate Malou yung friends nyang taga doon para makapagpark kami, then invite nya na may taping nga. Pagdating naming sa may Binondo, nakapagpark na kami at nameet na namin yung mga friends ni Ate Malou na sobrang love yung 2.
Nagbigay na ng instruction sina Ate Chelyn at Kuya Boy, kaya madali na lang at nakita na naming sila. Pagdating namin dun, tulog na naman yung 2, si Kuya Boy bumaba at si Kuya Ferry, nakipagkwentuhan si Kuya Boy sa amin, mukhang nacorner yata sya nung friend ni Ate Malou.. hahaha ang tanong nya kahapon the whole time “bakit hindi nililigawan ni JL si Bea?” natatawa kaming lahat dahil lahat tinanungan nya, kahit pa yung staff ng MSKM tinanungan nya rin, pati sina Ate Tess(make-up artist), Ate Chelyn, yung ibang tao dun sa taping, sabi nga namin, kay JL nya yan itanong, aba at itatanong nya daw talaga, sabi namin, kaya mo? Sabi nya “oo naman, tao lang naman yan..” hahaha. Lumipat sila ng papagparkingan dun sa malapit sa may location, sa may pagpasok ng tulay. Sobrang tagal bago nagsimula, tapos di pa malalapitan sina Bea, dahil nasa loob sila ng drugstore na close glass door. Kaya tanaw tanaw na lang kami,, pansinin nyo yung mga friends nina Ate Malou, ayun at tili ng tili dahil ang gwapo at maganda daw nung 2, at sobrang babait daw.


Nangungulilim na ang langit at nagbabadya ng ulan, lumabas na ng drugstore sina Bea at JL ng naghaharutan, nandyan inaambahan ni Bea si Jl ng suntok at tawa ng twa si JL, nandun pa rin ang alalayan, madaming delays sa taping, dahil sa mga taong nanonood, sa traffic, sa mga adjustments na ginagawa. Kaya ilang naka2 takes pa sila ditto ng bigla bumuhos ang malakas na ulan, pasok sina Bea at JL sa drugstore uli at inintay humupa ang ulan. Kami naman nakakita ng chance na makapasok sa drugstore, nagpapicture yung mga friends ni Ate Malou, na sobrang kilig na kilig sa 2. at hanggang sa loob ng drugstore may hawi boy! Kinukunan ko ng picture sila, at panay naman ang tulak sa akin nung hawi boy, sinabi naman na sandali lang, at yun nga, lumabas na kami. Umaabon ambon pa, nireview nila yung mga scene na nakunan, at mukhang umoK na si Direk kaya lipat na sa next location, sa Baywalk nga. We decided na wag ng pumunta dun, since pagabi na nga at umuulan pa, kaya pumunta kami ng parking para magpaalam sa 2, kaso paalis na yung sasakyan, kaya gumilid kami, binaba ni Ate Tess yung bintana nya, at dumungaw si Bea sa likod,kumakain pa sya ng chips ditto, sinabi namin di na kmi susunod don dahil maulan nga at pagabi na, nagpaalam na kami sa knya, nagbabye na rin sya at nagwave pa ng hand, nagflying kiss pa sya at nagthank you, she’s so sweet. :)
Kasunod na nung van ni Bea yung Van ni JL, at binaba rin ni JL yung bintana nya at sinabing “Baywalk po kami!” sinabi namin na di na kami pupunta dun dahil umuulan nga, sabi nya thank you sa pagpunta, nag-ask kami if pwede papicture, sabi nya sure total traffic naman, binuksan nya yung sasakyan nya, bababa pa sana sya pero pinigil ko. At nagpapicture na nga kami, nagthank you na kami at nagthank you na rin sya, at kiniss ko na nga sya, sinundan ni Ces at ni Ate Malou.

Naglakad na kami papunta dun sa parking where na kapark yung sasakyan ni Ate Malou, nagpunta muna kami sa office ng friends ni Ate Malou, ayun kwentuhan, pinkita nmin yung pictures nila with Bea at JL, grabe tili sila ng tili, lahat ng officemates nila lumapit at nakitili na rin. Nakakatuwa at nakakaaliw talaga sila, sayang at hindi natanong ng friend ni Ate Malou yung gusto sanang itanong nya kay JL! Nagpaalam na kmi sa knila kasi naghahapon na at baka matraffic (traffic tren!)
----
Thank you to the followings na..
Tita Mayang, salamat at wala kang sawang nagtetext sa akin/amin. Wag ka po sanang magsawa, at now I know kaya kinikilig ka at sa MSKM, hmmm, grabe nga talaga, kaabang abang, basta my lips are sealed, promise. :blow:
Ate Chelyn, sobrang maraming salamat sa iyo, as in. basta magready ka pa rin ng swim suits ok? Hehehehe, madami pa tayong kwentuhan, thank you sa mga texts sa walang sawang pagtext sa akin, oo naman mas maganda ka dun noh! I know na solid ka pa rin, gusto ko yung reaction mo dun sa isang pinagkwentuhan natin, hahahah, ikaw, kahit saan nag-aaya ka. Bsta kita tayo next week. Itutuloy natin yung iba pa, hehehe, at nasaktan ako na ikaw pala ang kaagaw ko at hindi si Bea..
Kuya Boy, salamat ng marami sa pagbigay ng directions sa amin para mapadali yung punta namin sa Binondo, at sa mga txts mo pa, thank you. :)
Ate Malou, thank you sa pagddrive, wag kang magsawa, basta masaya naman eh, no need to explain, it’s always a happy ending talaga.
Ces, kitakits tayo sa susunod..:)
----
John Lloyd Cruz, you never fail to amaze me, with your looks, with your personality, with your good heart, keep on doing what’s right. Keep on believing to yourself that anything is possible (and with you everything is IMPOSSIBLE!) joke lang! Thanks for the time, for being so approachable, and kind hearted. I feel it in my heart, the sincerity in you. You and Bea deserve everything you have right now. I don’t care about your imperfections, I can ride with it, don’t care about your beliefs, someday those will changes. :) Thanks for the kiss and for the love I saw in your eyes.
Bea Alonzo, I’m really blessed, not just because I can interact on you, not just because I can laugh, giggle with you. I’m blessed because I got a chance to see how Beautiful person you are, in and out. Not put on, no scripts, no directors, no cameras. Just a simple person who can touch everyone’s heart. A simple You. Thank you for the time that you spent with us. Continue to grow, take the journey, continue to explore the outside world, don’t be afraid to face those people who judged you, face them and prove them they are wrong, continue to be strong, God will provide everything.