Sunday, September 10, 2006
â 11:30 PM
Cybers Meet and Greet!
Hi everyone, I’m here again… miss nyo ba ako? If hindi, don’t bother to read this, hehehe. Joke lang po. How’s everyone, sana ok naman ang lahat, since ako eh sobrang happy..
Friday afternoon, nalaman natin na namove yung date na supposed to be eh 9/9 event at naging 9/10 na sya dahil nagkabiglaang appointment si Bea.
Saturday pa lang excited na dahil makikilala ko na rin sina Tita Pumpkin and Tita Mabs, syempre bonus na makikita ko ulit si Bea.. :D
Sunday morning, aba, walang text from our dearest friends, mukhang nagreready sa paghahanda ah, excited din kasi, since yung iba eh first time nila to go in a Meet and Greet. Ako naman wait lang na mag 4pm, ayy 3pm pala hehehe.
Yung isa dito sabi iadjust ko daw phone ko kasi late yata! Hahaha, 5:15pm dumating ako sa Galleria, diretso ako sa Mini Stop, dun yung meeting place namin, alam ko na nandun na ang lahat since tinext na nga ako ni Ate Maffe na nandun na sila, (yeah, I know! Late ako na ilang mins.. ok fine, 1 hr akong late hehehe, sensya na, mabagal yung MRT! :lol: )
Nadatnan ko na sina Ate Maffe at Ate Daisy na nandun na nga, nauna na daw yung iba.. Si Kianna and hubby ni Ate Daisy was inside na, kaya wait na lang naming sila. Then tuloy na kami sa Crowne.
Pagdating naming dun, nandun na sila, nakita ko na sina Tita Mabs, Ate Pumpkin, ilang minutes lang dumating naman sina Tita Nini at Angelie with her Tita.
Hmm, Tita Nini and Ate Pumpkin ha..sexy ladies sila, kaya nga parang inspired ako na magdiet eh.. baka yung Papa ko, maagaw nila kung saka sakali!hehehe
Medyo chikahan kami while waiting Bea, nandyang papicture, biruan nga na baka mamaya nya malowbatt na mga digicam nila wala pa si Bea.

Dumating na rin si Ate Car, na ang dami daming kwento, gusto ko yung portion ng pag analyzed nya sa magloveteam.. ;) kasama mo ako dyan Ate Car.
We decided na kumain na muna, since yung iba gutom na rin, past 6pm na rin naman kasi..
Then dumating na rin si Ate Cj, na talaga namang nilabas na ang camera para ready na daw sya pag dumating si Bei. Konti kwentuhan, konting kulitan..
The funny thing here is everytime na may nagdodoorbell ang mga leeg naming ay humahaba, kasi baka si Bei dumaitng na. Then si Ate Car, nakareceive ng text from Tita Nina, at 5 mins na lang daw eh parating na sila.. Aba ang Cybers todo retouch na, yung mga camera nila inihanda na rin.
Pagtunog ng doorbell nndyan na nga sila, nakita ko kagad si Bei na nakapony at naka myrtle green sya na spaghetti strap dress with lower neckline, accessories with a black belt and black sandals, she’s with Tita Nina, Nicole ang Ate Chelyn.
Pagpasok pa lang sa room, dami ng camera na nagpaflash.
Si Tita Nina commented na “Parang familiar faces ah” nakita nya kasi sina Ate Maffe at Ate Badz, umupo na si Bei sa couch, nagHI sya sa lahat, si Ate Pumpkin na nagpapicture na kay Bei at pati si Tita Nini na di nagpahuli, si Tita mabs na tumabi na rin kay Bei, at ang ibang cybers naman ay star struck. Ako naman na sa tuwing nakikita ko si Bea na lagi ko na lang nasasabi na “sobrang ganda nya” na kahit ilang beses ko na syang nakita, parang everytime may bago pa rin.
Take note guys, galing pa sya sa pictorial ng Star Magic, and still BEAutiful pa rin, at fresh na fresh despite of her busy schedule that day. Mind us! She was born that way.
Si Tita Nina nakita si Ate Maffe, sabi “parang kahapon nakita kita” (I’m not sure of this, basta something like that) na narinig ni Bea, at napalingon sya since si Ate Maffe ay nasa tabing couch lang, (sori sis, mahal kita pero kailangan sa kwento eh) nahiya tuloy si Ate Maffe, at biglang sinabi ni Bea na.. “I’m sure si Trina nandito.” At tinuro nga nila ako, na nasa harap lang at nakaupo sa bed, nagulat ako, kasi di ko akalain, though may hint ako na may babanggitin sya. Narinig ko pa na sinabi ni Tita Nina na “nanalo pa yan kahapon” poiting to me.. hehehehe
Hindi pa sila kumakain, kaya pinakain muna naming sila, Bea asked then if kumain na kami, nagyes naman at nagsad face sya kasi sila na lang pala yung kakain, while eating pinakita nya sa digicam nya yung mga kuha sa pictorial ng Catalogue ng Star Magic, at sobrang gaganda nga, sabi nya primetime ng Star Magic ang nasa cover, though yung ibang teen eh sa lower part sila ng cover. She’s so nice na pinakita nya pa talaga yun sa amin, nalowbatt nga lang kaya di nya naipakita lahat.

Nagsign na din si Bea ng pictures ang magazines, and sobrang natouched ako sa message nya for me. Tinawag nya pa akong “Homeboy Gal”.
Abangan natin yung MSKM, kasi sure na na oct2 sya at simultaneous sya sa Asian countries, sobrang gaganda ng mga eksena na kahit si Bea eh sobrang excited she said na nagging stunt woman na nga daw sya dito, dami na nyang hirap, actually silang lahat, kapanapanbik nga daw lahat ng scenes. Pinnakita nya rin yung bruise sa right knee nya, na nabunggo daw nya taxi, kaya hindi muna natin sya makikitang nakaminiskirt ngayon unless wala na yung pasa. Kwinento nya rin yung during tapings nila sa Baseco, yung time na nagbabasa sya ng script sa loob ng house dun, the yung bubong nila is hindi naman yero kundi parang tolda, while reading the script may narinig daw syang bumagsak mula sa itaas at nakita nya yung malaking bato, then sa kisame, butas yung tolda, na nakikita na nya yung sunshine, if nalihis lang ng konti, sa ulo nya dapat babagsak. Then nung nagshoshoot ng exterior shoots yung mga crew, may barilan pa nga daw na nangyari at may napatay dun..
Nakwento nya rin sa amin yung silang 4 nina JLC, Sam at Anne during taping nila sa Pier. Na ang daldal nga daw nung 2, na tawag nila ni JL kay Sam at Anne is Tiktak kasi para silang alarm clock pag inaantok na sila ni JL.
Then picture taking na since 9pm na at malapit ng umuwi si Bea, dahil aga pa ng call time nya kinabukasan. At si Kuya Boy na mula umaga eh nagddrive na daw from Tanay, di pa daw nagpapahinga.



Sumabay na rin sa knila sina Tita Mayang, kasi alis na rin sila, natira kami nina Ate Badz, Ate Maffe, Ces, Ate Maribel, Ate Rachelle, Jha, Ate Cj, Ate Abbi, Ate Ria, Tita Mabs, Ate Pumpkin. (sana wala akong nakalimutan)
Kwentuha sandali, then Ate Rochie called me, saying di nya inabot si Bea.
Vida called Ate Pumpkin, at nakausap nya si Biyah Malonzo. Vida, nice talking to you daw sabi ni Biyah.
Then 10:30pm we decided to call it a night! :)
Thank you portion na po muna,
Tita Mayang, I had a great time talking to you, alam ko isa lang ang tinitibok ng puso natin, alam ko yun, ramdam ko tita..hehehe, dapata pala lagging may dried mangoes para masaya lahat, hahahaha, di ko talaga kinaya powers mo, ikaw talaga ang ultimate, buti naman at may consent mo na about sa papa ko, atleast sa akin safe sya, pag ok na, ibibigay ko na ulit sya sa tunay na may ari! Hahahaha, thank you sa lahat tita, sa mga texts, at di nyo ako kinakalimutan, salamat.
Ate Pumpkin, I want to thank you in behalf of all cybers who attended the M&G, thank you sa lahat ng mga bagay, it’s not possible to have that M&G without your help. Grabe sexy nyo po ha, buti na lang talaga, kundi baka maagaw nyo ang papa ko! Hahahaha, and you have beautiful babies, sobra..
Tita Mabs, so nice to meet you at last. Wala naman pong nagbago, you’re still the tita mabs, and thank you po pala, I know that is not the first and last time. May tour portion pa po tayo diba? Thank you po ulit sa lahat.
Tita Nini, nagulat ako na kayo pop ala yun, pag pinagtabi kayo ni Ate Pumpkin, talo talaga ang Beauty ko sa inyong 2, sexy pa, hayaan nyo, sunod naman natin is Papa Lloydie, hehehe so nice to meet you, and looking forward for the next one!
Tita Nina, I said this many times pero, sasabihin ko pa rin kahit paulit ulit.. it’s nices to know that you is there for Bea all the time, you’re like a 2nd mom to her, and hindi nagkakalayo look nyo ni Nicole na napapansin ko na pasexy sya at sumusunod na kay Bea. Thank you so much for being there always. Sa aming lahat na Cybers, thanks. Tlagang terno kayo ni Nicole ha..
Ate Abbi, so tahimik mo last Sunday. Ok lang yun, di naman nya babalikan yun eh, tska kung sakali man, baka yung girl ang bumalik hindi ang fafa mo! Magkikita pa tayo next month, dapat may bago na sa inyo ng fafa mo ok?
Ate Maribel, hindi ko alam if napasaya kita o ano ba, bsta we will talk, one of this days, kulang kasi ang maghapon sa atin eh, alam mo na SOLID ako, never say die ako eh, never naman akong bumitaw, ikaw ang bumitaw sa akin sis, I like the hair bumata ka sa akin na isang araw.. Porsche pa ha! hahahaha, love you sis.
Ate Maffe, thank you sa lahat, sa pagdala ng things ko, sa kwentuhan, alam ko we are the same wave length sis, I knew it.. kaya nga love na love kita at di kita pinahihirapan eh.. hahahaha. Salamat ha, sa pag-iintay sa akin.
Ate Badz, salamat at talagang binisto mo ako kay Bea ha? Salamat at alam nya ng karibal nya na ako! Salamat! Hehehe, thanks sa call, though medyo sarcastic yung voice mo, thanks pa rin!
Ces, di kita kinaya ‘VHONG REVILLA’ napatawa mo kami dun, iba ka! Hehehehe
Ate Car, thanks sa mga chismax mo sa amin, we enjoyed it talaga.
Jha, sis kinakalaban mo ko, sakit, sister pa naman kita! Ikaw pa nambubuko sa akin! Pero love pa rin kita ha, kahit na Banana or Back to back pa yan! Hehehehe love you sis
Ate Rachelle, thank you sa pics ha, sa future pics.. looking forward to meet you again.
Ate Daisy, thank you sa pagproxy kay Ate Tess, and quote kita ha.. na sa 2007 pagbalik nya eh sya naman magsponsor ng M&G! hehehe, thank you for bringing Kianna again.
Angelie, it’s nice to see you baby sis, at talagang hindi ka na pumayag na hindi ka makakapunta, GO girl, hehehe
Ate Chelyn, ang Bday girl, salamat ha, sa lahat, sa kwento! Tska sa text na lang tayo mag-usap if nasa tanay ka, wag mo na kaming papuntahin dun if kailangan mo lang ng kausap, layo naman eh.. basta si Gerald ha.. hehehe
Bea Alonzo, thank you ha, sobra. Yung sinabi mo na I make you smile whenever you see me, it’s the other way around, ikaw yung nagpapangiti sa akin, you make me feel special talaga, at sobrang thankful ako.. na nakilala ko ang isang Bea Alonzo, hindi ako nagsasawa na makita kita palagi, kahit everyday, hehehe.. thank you talaga.