http://www.makepovertyhistory.org
        [(Don't you know it)]
Thursday, August 24, 2006
♠ 7:42 PM
Plano na magkita sa Mcdo sa may Quezon Ave. ng 7:30am, unang dumating si Ate Maribel, wait naming sina Ate Tess at Ate Badet, para sabay sabay na kaming pupunta sa location.
Hindi ko na sasabihing late sina Ate Tess at Ate Badet ng 30 to 40mins.. amin amin na lang yun..heheh

Nagtaxi na kami papauntang Tomas Morato, since nandun na sina Ate Malou, Ate Maffe at Ces. Nndun na rin sina Bea at JLC sa location.. on our way to the loc. Chikahan kami ng konti sa taxi, since tagal din naming di nagkita.. biruan at kulitan.. si Ate Tess, behave sya, kasi sobrang happiness nya, at happy ako s kapatid kong ito :)

Pagdating naming sa Baang Coffee ng 8:30am, nakita naming na may nagseset-up na ng mga lights at camera, nakita na rin naming yung van nina Bea at JLC, magkatabi.. Nakita na rin naming sina Ate Malou, kumakaway na parang artista si Ate Maffe eh..:)

Nagpunta na kami sa may café, napansin ko lang na dun yung location ng NTIHY nila, yung nagkita sina Betsy at Morellos Comma Michael. :love:

Tita Nina was there pala, naabutan nina Ate Malou, kaso umalis na kasi she have to go to work pa.

Ask ko na kagad sila kung nasa na yung 2, sabi nila nasa taas na daw, minemake up-an na daw, ask ko sila if nagpakita na sila kina Bea at JLC, sabi nila hindi pa daw.. kaya inaya ko na sila para umakyat, pumasok na kami sa loob ng café, ask nung isang café staff if taga abs kami, kasi dip ala pwedeng papasok dahil reserve yung place na yun. Then ask nya if kasama kami nina Bea, nagyes na lang ako, kaya pinaakyat na kami. Ako yung nauuna kaya una kong nakita si Bea nasa dulo sya, katabi si Ate Tess, kaharap nya yung laptop nya, dahil free ang wi-fi dun sa café, kita ko rin si Lloydie na nakaupo sa folding chair habang minemake up-an sya. Nakita na ako ni Bea and nagHi sya sa akin, si Lloydie nakita nya rin ako at nagHi ako ang ngumit sya, nakakatawa kasi habang nagHi ako kay Lloydie, may nabangga pa ako, nakita yata ni Bei kaya napasmile sya, hinahanap ko yung mga kasama ko, nndun pa sila sa may hagdan kaya sabi ko, “lapit na kayo!”. Nung kaharap ko na si Bea, she gave me a kiss, na nagulat pa ako. Kasi sya pa talaga yung tumayo para makipagbeso sa akin. :love: then nagkumustahan kami, sina Ate Malou katabi ko na, para ilan lang kami this time, Ces, Ate Tess, Ate Badet, naiwan yata sa baba sina Ate Maffe at Ate Maribel. Ask ni Bea “di po kayo pumasok?” sagot ni Ate Malou “Leave kaming lahat”, natawa nga si Bea eh. Nag-offer si Bea na umupo kami, since katabi ko na yung chair, umupo na nga ako.. hehehe. Naalala ko si Ate Tess, since nalalapit na nga, I want her to be happy kasi, tska gusto ko kasi magkamoment sya sa 2 before di nya na magawa.. (Ate you know what I mean naman eh) kaya sabi ko “Ate Tess, halika..” pero nahihiya nga sya kaya ayaw nya, I explained to Bea kung bakit ko tinatawag si Ate Tess, then Bea said, “why naman sya nahihiya eh, madalas naman na tayong nagkikita..” I told Bea, na pumapayat na sya, pero don’t take it too much, kasi baka magkasakit naman sya.. she said yes and nagsmile sya. Nagpaalam pala ako sa knya I said.. “Bei wait lang ha, magHi lang ako kay Lloydie.” Sabi nya sure daw. Lumapit na nga ako kay Lloydie, hindi pa sya tapos make-up-an, nung una akong nagHi di nya yata narinig dahil wala yatang voice na lumabas sa bibig ko, kaya inulit ko.. at naghello sya sa akin. I told him na pumayat nga sya at nagkamaskels na sya, ang cute ng reaction nya kasi parang nagpacute pa sya.. then sabi ko, “dito muna ako kay Bei ha.” Umok sya. This time tumabi na ako kay Bea since bakante yung chair sa tabi nya. I asked her kung anong song ang gagamitin sa your song nila, she mention Nyoy’s song na ‘nasaan ka’ and yung song ni Barbie Almalbis na ‘Dahilan’ (not sure ditto, correct na lang po nyo ako).



May nagcomment na staff na maganda daw yung hati ng hair nya, then inayos nga nya eh, I commented na “oo nga Bei, bagay sa iyo yang maikli, though maganda pa rin yung long hair mo before.” Sabi nya, “oo nga eh, namiss ko na yung hair ko before” sabi ko pa “bagay naman yang ganyan sa iyo eh” she said “thanks, ok na rin naman itong maikli, mas madali pang iblow dry dahil maikli lang” since dala ko yung SSM sept issue ko, gusto ko sanang ipasign na rin, pinakita k okay Bea yun, nagulat nga sya na aga naman daw ng copy ngaun, then nung makita nya yung page portion nung kanila ni JLC, sabi nya “nung 18th bday ko pa ito ah” then tinawag na sila, kasi start na ng shoot nila. Sabi pa ni Bea, nood po kayo ha.. sabi ko naman, cge watch lang kami.

Pagbaba namin, dun ko lang narealized na nandun pala sina Ate Maffe at Ate Maribel sa baba, hindi na lang daw sila sumunod, at ang sabi sa amin, mauna na daw muna kami, mamaya na lang daw sila, nagreready pa sila eh..

Pumunta na rin kami dun sa side where magtatake yung scene, nakita na rin naming sina Kuya Boy at Kuya Ferry, di pa nga naming sila napansin kung di pa ako tinwag ni Kuya Boy, ayun, konting kwentuhan..



Inaayos pa yung scene, then mayamaya nagtake na sila. Mainit ang haring araw sa mga panahong ito, kaya pinapayungan si Bea dito. Si JLC naman kasi nakasakay sa taxi, dahil yung nga yung scene nila. Natapos na yung scene kaya umakyat muna sila, para magchange costume na rin. Yung mga set-up inayos para ilipat naman sa kabilang side. Dahil ibang side naman kukunan, kaya dun kami sa may harap ng bangko pumwesto, dahil makukunan daw yung sa banda namin. Pasilip silip na lang kmi, then lumapit yung asst dir, sa amin, at ask niya “fan kayo ni Bea at John Lloyd?” nag oo kaming lahat, sabi nya “gusto nyong magparticipate? Upo lang naman kayo eh” ang sabi ko sa asst dir, “ saan po ba kami pupwesto?” at sabay hila ko kina Ate Tess. Kami lang nina Ate Malou at Ate Tess ang sumama, dahil ayaw daw nung iba. Umupo lang naman kami, dun na parang customer kami ng café. Sila Ate Badet alam ko nandun sila sa likod ng mga camera men. Nung matapos na yung scene balik kami dun sa pwesto naming kanina sa dulo ng café, kwentuhan lang muna kami. Nilipat nanaman yung mga camera, dun kabilang dulo naman, kaya punta kami dun, para manood ulit. Ito na yung scene na magkakasabay sila sa pagtawag sa taxi, and they both decided na silang 2 na lang ang sasakay. While nagrereherse, nood lang kmi, lumapit ako kay Ate Chelyn, ayun chikka chikka muna kami, at nakita ko nga na hawak nya yung script, kaya binasa ko muna, ayaw pa nga nya kunwaring ibigay kasi baka di na daw kami manood. Pero binigay naman nya. Unang page info about BEA, yung totoo ha, hindi yung sa your song character nya. Nakalagay yung call time, and yung mga things to bring nya for that day. Sa 2nd page naman yung mga characters na, she will play Sandy while JLC is Tonton. Binasa ko yung script at natuwa ako sa mga scenes nila. Ask k okay Ate Chelyn if magiging sila sa huli, kasi nga most of your songs episodes eh hindi happy ending, sabi nya hindi pa daw nya nababasa kaya di nya alam, kaya binasa ko yung dulo.. SECRET na lang muna kung ano yung ending.. wait na lang nyo, heheh, then ask ko syta kung when ipapalabas, sabi ni Ate Chelyn, di pa daw nya alam, narinig ako nung isang staff at ang sabi nya sa akin ay end of sept pa nga daw. Nagbibiruan kami nina Ate Chelyn, ng biglang sumigaw yung staff na “hoyy, payong naman dyan, si JLC naiinitan oh” sabi ko tuloy, “uyy baka may payong kayo dyan, papayungan ko so Lloydie, naiinitan sya” tawa ng tawa si Ate Chelyn, sabi pa nya, “sige payungan mo, chance mo na yan” hahahaha, si Bea kasi pinapayungan, and si JLC naman nasa lilim. Then ask ako nung staff dahil kulang sila sa talents nila dun, kung gusto ko bad aw maglakad lang daw, kasi nga kulang sila, sabi ko, “hindi ho, SHY TYPE ako eh!”

Then nung matapos na yung scene nila. Si Ate Badet na kanina pa nangungulit sa akin na papicture daw sya kay JL, at ako talaga ang kinukulit nya, kahit isa lang daw (aba, aba ate Badet, at gusto mo pa yata ng pangalawa at pangatlo.. hehehe) kaya inask ko si JL if pwede papicture, umoo naman sya, napapicture na kmi nina Ate Badet, Ces, at Ate Malou. I ask him rin if dun sya sa _____ sya naggy2m, he said yes, sabi ko, kasi yung friend ko dun before nawowork.

Lipat uli sila ng mga camera at lights, dun naman sa mismong Baang coffee sila kukuha ng scene, nandun kami sa dulo ulit, at talaga pinakita na naming yung pins naming sa iba na di nakasama sa picture taking, sabi ni Ate Maffe, hinahayaan lang daw nila kami mauna, kasi baka daw magulat kami pag sila na daw ang nagpapicture.. :lol:

Nagchange costume na ulit sina Bea at JL, lumapit ulit yung asst dir sa amin, if gusto daw naming ulit na makasali dun, 2-3 lang naman dawn a tao, tumayo ako at sabi ko “tara na pinag-iintay natin si dir. Saan po ba kami?” tawa sya ng tawa, dun nag kami pinaupo sa loob na café, nagbigay sya ng instruction na pwede daw tumayo tayo, para bumili kunwari ot mag-CR. Nag yes, kami, inayos nya blocking naming ni Ate Malou, yung gusto nya dawn a nakikita kami. If gusto nyong Makita si Ate Malou, madali lang naman sya, sya yung pagkatapos nina Bea at JL, ay sya naman yung bumili ng ice tea (Ate, thanks sa libreng ice tea) totoo pong binili nya yun ha .. Lumapit sa amin si Ate Tess (make up artist), sabi, talents na rin kayo? Biniro ko nga sya na, “oo nga eh, kaso libre ito, for the sake of love, pangalawa na nga ito eh, ni libre kape o tubig wala.. hehehe”



Ito yung time na nagkukulitan na sila ni Bea at JL, may inorder kasi sila sa scene na ice coffee yata, na hawak ni JL. Si JL may sinabi sya na may nagustuhan daw sya cake sobrang haba nga daw ng name eh yung ‘blueberry cheesecake _____’ hindi na daw nya maalala yung huli. Pinag-uusapan nila ang DIET dito, tapos kulitan, inaalaska nga nila si Ate Tess (make up artist) na isa na ring talent ngayon, dahil nasa isang scene din sya. Jl mention yung CARBS, kasi hirap daw yun, pag marami. Kaya hinay hinay sila, at sobrang nagkakasundo sila ni Bea, dahil on diet silang 2. di talaga tinitigilan ni JL si Ate Tess (make up artist) dahil, ginagaya nya pa nya kung pano magsalita si Ate Tess (make up artist) at si Bea tawa ng tawa, sinabayan pa nga ni Bea na bat daw hindi nag lip gloss si Ate Tess (make up artist) sabi ni JL, if kukunin bad aw nya yung lip gloss para mag-apply si Ate Tess (make up artist). Nagtake na sila, kaso nagcut yung dir. Di daw maganda yung kuha, kaya nung 2nd take kinulit ulit ni JL si Ate Tess (make up artist) na nahuli nila kinakain yung props na cake. Sabi ni Lloydi, bat mo kinakain yan, di yan kasama sa script.. nagtake na ulit sila, sabi ni direk, hanapin daw nina Bea at JL yung camera, nagkakasapawan daw kasi, si JL lokoloko talaga dahil, talagang hinanap nya yung cam, sabi nya pa “nasan na yung camera? Nasan na?” kaya nahampas sya ni Bea dito, sabi pa ni Bea, “JL biling bili mga jokes mo ngayon” nagtake na sila, pero pinaulit dahil ibang side naman daw yung kukunan sabi ni direk. While waiting sila sa queue ni direk, si Bea kumakanta dito, ung song na ‘a moment like this’ ni Kelly Clackson, while JL is reading the menu. Then may minention si JL na dapat daw absorb ni Bea, di ko na ito nakuha kasi si Ate Malou pinapakunan ng pic yung 2, na di ko magawa, kasi nahihiya ako, isa pa baka ma conscious sila. Tapos ngumiti pa sa akin si Bea, kaya wag ng picturan…Nung natapos yung scene bumalik na kami ni Ate Malou sa iba, natatawa ako kay Ate Malou, na wala daw syang marinig sa kwentuhan nung 2, eh nasa likod lang naman nya nun sina Bea at JLC eh.



Kwentuhan muna kami, since may scene pa na kukunan sa may veranda ng café, at ditto nyo abangan si Ate Tess, dahil This is her moment, nagmonologue lang naman sya mag-isa dito. Dahil nga kulang sila ng talent kaya ask ulit sa amin si asst direk if ok lang ba, isa lang daw. Si Ate Tess na nagbabasa ng magazine ang tinuro, kahit ipagpatuloy nya daw pagbabasa nya. Isang table lang pagitan nina Bea, JL ate Ate Tess ditto at sa likod naman ni Ate Tess is Rannie Raymundo. Go Go Ate Tess! :)

Ito na yung time na kumakalam na ang sikmura naming lahat, dahil 12 noon na rin naman nun, kaya we decided na kumain na muna kami, sa Chili’s sa harap ng Baang coffee.

Sa Chili’s order kami ng food, at thank you ng marami kay Ate Malou na sya ang nagtreat sa amin ng lunch. Ng matapos kami, dahil nakita namin na nadun pa rin sina Bea at JL wait pa naming, kaso wala na kami mapagpupwestuhan kaya punta kami sa Mocha Blends at umupo muna sa labas, eh di pwedeng umupo ng di ka nag-oorder, kaya si Ate Malou ay nag-order muna ng ice coffee. Nakita na naming si Bea na papasok na ng van nya para pumunta sa next location, ito nga yung sa K9th. Pero yung ice coffee ni Ate Malou ay di pa rion dumarating. Kaya nung dumating, tinimplahan muna nya then pumunta na kami sa kotse nya, at susundan na yung sasakyan ni Bea, si JL nandun pa, matutulog pa sya ng sandali, then go na rin sa K9th. Sobrang saya nitong bonding na ito sa car ni Ate Malou dahil, puro kami mga assuming sa time na ito, na si Ate Maribel daw eh nakita nya yung van ni Bea na papuntang EDSA na sinang-ayunan naman ni Ate Maffe. Kaya punta kami ng K9th, namedyo naligaw pa kami dahil nakarating na kami sa kung saan saan. Na lahat ng kanto ay pinagtatanungan namin, na medyo nainis si Ate Maffe dahil may isang mama na dumedma sa beauty nya, hehehe.

Nang marating naming ang K9th nakakatawa naman dahil wala naman yung van ni Bea dun, kaya pinatext na si Kuya Boy, ay na tinawagan pala ni Ate Maribel, na kunwaring nahiya at pinasa sa akin ang cel nya, talaga naman pala wala kaming aabutan dun dahil na rin, nasa ABS pala si Bea, at quarter to 3 pa daw pupunta sa location.

Pinask nila if nandun pa kaya si JL, tinext ko si Kuya Ferry, kung sana ang next location nila, sumagot naman agad at sinabing k9th daw pero mamaya pa nanadun pa rind aw sila sa Baang Coffee. Kaya we decided na go na lang kami ng ABS para sundan si Bea. Dumaan pa rin kami ng Baang Coffee, dahil isa lang naman ang way nun papuntang ABS, at wala na dun ang sasakyan ni JL.

Nang papunta na kami ng ABS, txt ulit ni Ate Maribel si Kuya Boy kung nasa si Bea, sabi ni Kuya Boy wait na lang daw nya kami sa audience entrance kaya punta kami dun, nagpark kami sa isang resto na nakalimutan ko yung name. Na kinailangan pang pakiusapan.

Nakita na naming yung van ni Bea at hinintuan kami ni Kuya Boy, ask nya kung saan kami ng park, sumabay na daw kami, at pinapasok nya kami sa van ni Bea, sumabay na daw kami ibababa nya dw kami sa pinagparkingan namin. Wow, nakasakay rin kami sa sasakyan ni Bea, at una kong nabungaran pwera sa kumot at unan nya ay may copy sya ng Metro Mag yung cover ay yung mga lead guys ng Star Magic. Tumatawag si Bea kay Kuya Boy kaya quiet muna kami. Sinabihan kami ni Kuya Boy na magpapark daw sya sa Benjamin Bldg. (tama ba yung name?paki correct na lang po) sa may tapat daw nag lobby, nakakatwa ito dahil, hindi nya nilinaw maige, hindi nya sinabi na yung Benjamin Bldg is dun sa may kanto hindi sa tapat ng lobby, dahil yung mismong lobby is sa ELJ Bldg, pumaok pa tuloy kami sa loob ng ABS, at nagamit pa tuloy naming yung name ng friend ni Ate Tess… nung pumasok kami, magpapark n asana kami kaso puro OBvan yung pwede dun, kaya hindi pwede.. assuming kasi eh! haha, si Ate Maffe nakita nya yung van sa labas, niloko nga namin na baka assuming na naman yun.. pero nndun nga talaga sa labas, sa mgay tapat ng Benjamin Bldg. Kwentuhan kami nina Kuya Boy, sila lang pala, kasi medyo lowbatt na ako nito, pagod na rin kasi 3:30 na rin nito. Group pic kami nito, then nagtext na nga na aalis na, nagkausap na rin na convoy na nga lang dahil maliligaw na naman kami. May ilang 2 mins kami nag-intay sa tapat ng ELJ, then lumabas na yung Van, then stop malapit sa may Studio Gallery, bumaba si Ate Chelyn pati si Kuya Boy at may dala pang mani inalok kami at sabi nasa loob pa ng mag-net si Bea dahil may binibili pa. 10mins, may traffic enforcer na lumapit sa van nina Bea, bawal kasing magpark, umikot yung police yun pala kami na isusunod at sinabi naming kasama namin yang van, then lumabas na nga sina Bea, at may dala na silang SSM sept issue.. convoy na kami papuntang K9th nakaktuwa dahil alalay lang sa pagmamaneho si Kuya Boy, kasi baka mawala na naman kami! Hehehe

Nung nasa location na, naghanap kami ng pagpapakingan sa kabilang kalye lang. Then nakita na rin naming yung sasakyan ni JL, at pababa nga sya naka havaianna sya na blue, pumasok na sya sa magiging bahay nya sa episode na yun, halatang kakagising nga lang. Sabi ni Ate Malou na papapicture daw sila sinabi nya kay Kuya Boy, si Kuya Boy sinabi nya kay Kuya Pip. Nakita ko na rin si Aaron nito, dahil sya ang gaganap na kapatid ni JL. Si JL nagbabasa ng script, kaya sabi ko mamaya na lang magpapic.

Pumunta na kami dun sa harap ng bahay (kuno) ni Bea sa YS, nilalagyan na nila ng halaman sa labas. Then nagseset-up na nga sila. Dun kami sa may likod ng camera, pumunta na si JL sa may harap ng bahay ni Bea, para magready na, sumunod na rin si Aaron, at nagrehearse na sila. Sobrang cute ni Aaron na sarap sarap pisilin, sina Ate Tess at Ate Maribel di na nakatiis at pinisil na nga, at nagpapicture. Nagrehearse na rin sina Bea, JL at Aaron ng scene nila, may nagguide kay Aaron kung paano nya babanggitin ung mga lines. May time pa nga na pinasayaw ni asst direk si Aaron at sunod naman ito, si Bea at JL tuwang tuwa kay Aaron.si JL nga nakipaglaro kay Aaron, na kunawaring sinusuntok nya si Aaron, at sumusuntok naman si Aaron, habang si Bea eh, nakatanaw sa 2.

Ang scene kasi is nagdidilig ng orkids si Bea, na dapat yung pangspray lang na maliit ang gamit, pero ang gamit nga dun ni Bea ay hose. Sinenyas ni JL yung dapat na pagdilig at kung pano pindutin yung hose “Bei dapat ganito…” at pinakita nga ni Bea kung paano.

Twice kinunan yung scene. At nung matapos sila dahil 5pm na nga at time for us to go home, nagpapicture na sila. Dahil nga lowbatt na ang aking body hindi na rin ako nakapagpapic, pero ok lang since higit pa dun yung nagawa nilang 2 sa akin. Tama na yun.

Nagbbye na kami sa kanila. At sobra akong natuwa sa naging gesture ni JL, Bea is all smile talaga. They really look good together.

Comments: Post a Comment


SHAKESPEARE r
simple yet beautiful
happy and contented
generous yet selfish
pessimist and optimist... sometimes

CHEEK OF NIGHTr
Lindsay Lohan
HALE
BAMBOO
MYMP
Counting Crows
Senti Songs..

HIS BOUNTY r
SM Leni: sugar, spice & everything nice
KYM: On HIATUS
Pau: With A Smile
Sab: Rain and the Rainbow

Genie in a BOTTLE r
ipod video
digital camera
computer
nokia n90
nokia n70
lots of shoes

Cool Stuff r
Look Closely r
Check 'm out r





BRINKr


PAST LAYOUTSr
Image hosting by Photobucket
Image hosting by Photobucket
Image hosting by Photobucket
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.comGet awesome blog templates like this one from BlogSkins.com