http://www.makepovertyhistory.org
        [(Don't you know it)]
Tuesday, August 08, 2006
♠ 8:46 PM
"Crush kita"

Ces, Ate Badet, Ate Maffe and Me

Ito nanaman po ako, ako nanaman ang inatasan nila para sa gawaing ito. Medyo mala nobela nanamn po ito.

Around 8:30am umalis na ako sa office para mameet ko na ang iba sa Mcdo. Si Ces nakasabay ko na pala sya sa mrt. Kaya sabay na rin kaming pumunta sa mcdo, nakita na naming nag-aantay si Ate Mafe sa amin habang kumakain ng pancakes, si Ate Badet na lang ang wait naming, kumusta naman yan at 5am na eh nasa office pa nila, wala syang tinulog. Kwentuhan ng konti at pinacheck ko na rin yung camera na dala ni Ate Mafe if ok nab a, wait lang kaming matapos yung food ni Ate Mafe para makaalis na kami, I was thinking kung saan ba kami dadaan if sa audience entrance ba or sa ELJ Bldg mismo. We decided na sa audience entrance na lang, then pagdating naming, sabi sa amin di pa daw sila naaadvice about sa Homeboy kaya tinuro kami sa Studio Gallery entrance, pagdating naming dun, nag-ask na ako sa guard if pwede na bang pumasok and sinabi ko na rin yung contact naming, buti at nndun na rin si Ms. Rhea na nag-a-assist sa mga audience ng Homeboy. She approached me then she guided us papasok sa loob ng studio. Mga 30-40 mins siguro kaming wait sa labas, since naghahanap pa sila ng ibang audience. Then after nun papasok na kami sa Studio 9. Syempre naghanap na kami ng magandang upuan, kung saan kitang kita naming si Bea pero di ganong kita sa camera (kaso nakita pa rin pala kami).

Nasa loob na ng studio si Shaina nagrerehearse sya nung song # nya na “I think I’m in love” mga 15 mins siguro yun, pumasok na rin sina Aaron Agassi and si Sam Concepcion. Nagkada ngawit nga ang leeg ko kakatingin if nndyan na si Bea eh, ilang mins. na lang at magstart na yung show, yung 3 nasa stage na maliban kay Bea. Nung nag queue na magstart na at sing na sila ng syaramdaram, kaya if mapapansin nyo wala si bea sa opening # nila, at may nagtilian na mga audience kasi lumabas na si Bea. Then after nung song si Bea tumatakbong papasok. Sya yung unang sinalang sa show, while practice ng konti sa song # nya na pasulyap sulyap, then there are times na tinignan nya yung face nya sa monitor and hawi sya ng hair nya, ask nya rin kay Ate Tess kung anong magandang bagsak, pati nga yung cameraman nagsuggest.



Sobrang nakakakilig yung episode na ito, napansin nyo naman how Bea reacts sa mga surprises na yun, lalo na yung kay Aga. Na din a sya makapagsalita after, between take, si Tito Boy kinuha yung 3 pics, yung kay Binoe, Aga at Marc. He asked sa audience if sino kasama ni Bea. Then pinaabout nya yung pic, sabi nya kay Bea yan. Then nagkatinginan pa kami ni Ate Chelyns at kinilig kami, while sya pinakita nya yung pic ni Marc..



Nakakatuwa nung si Christian Bautista na yung lumabas kahit kami nagulat na si Christian eh crush pala nya. Napaka spontaneous nung reaction ni Bea na tumakbo sya sa tabi ng cameraman dahlia sobrang hiyang hiya sya. Nakakatuwa while Christian was serenading her (Can This Be Love) nagpaflash sa background yung mga nagging movie ni Bea with John Lloyd, na si Christian Bautista na yung face. Bumagay yung face ni Christian sa AAL poster, nagulat pa ako na si Ian pala yun. After nya kantahan si Bea he even gave her yung album nya na tuwang tuwa si Bea.





Next gap si Shaina na, while nagrerehearse si Shaina nung song nya, umupo sa may gilid sina Bea at Christian, at napansin ko binulungan ni Christian si Bea, at ang Bea kilig na kilig. Tingin ko they where talking about yung surprise guy for Shaina. Kasi sabi ni Shaina, “sino yun, sino yun? Kakakaba naman.”

Nakakatuwa si Bea, she even took a picture of Shaina and Eric while eEric was singing This is the moment, sa cellphone nung isang writer yata ng Homeboy, then napansin ni Shaina yun, Bea said na “Cousin, this is your moment”

You will notice na Bea is happy, and she is, the way she move and the way she reacts sa mga question, sobrang tuwang tuwa sya.

After ng show, nilapitan ko na si Ate Chelyns, and sabi nya wait lang daw kami dun, and tinuro nya kung saan, nung nagstay kammi dun, aba ang guwardya ung, pinagtutulakan na kaming lumabas, at ang sabi wala na daw iistambay dun, tama ba naman yan, ginawa kaming istambay girls! Sabi ko may iniitay lang po kami, at ang sabi nya “dun kayo sa labas mag-intay.”edi pasimple lang kami sa sulok at baka Makita nanaman kami ni manong gwardya? Sinisilip din naming si Ate Chelyn. Then lumabas muna sina Melissa Ricks then si Arron Agassi, na halatang they like each other. (commernt ko lang yan ha..heheh) medyo nakichikka muna ako, nagHi ako kay Melissa since 2nd time ko na na Makita yang bagets na yan at nakausap. Si Shaina lumabas na rin, papuntang dressing room nila. Nakita ko na si Ate Chelyn kaya nilapitan na naming, ayun at nakita nanaman kami ni manong guard at sinabing, “o san pa kayo pupunta?” si Ate Chelyns ang sumagot at sinabing “kasama po yan ni Bea” kaya quiet si manong guard kita ko pa syang nagkamot ng ulo.. hehehe

Pumunta na kami sa malapit sa dressing room ni Bea at Shaina. Nakasalubong ko pa si Sam Concepcion, at nagHi rin ako sa kanya, nagstop sya then nagHi rin, sabi ko pa sa kanya, “medyo shy ka knina, dahil kay tiffi” nagsmile sya at namula, then nagbbye na sya dahil tinawag na sya.. Ms Congeniality, At Ms. Friendship yata ako nung time nay un, dahil kahit masama pakiramdam, GO pa rin.

At pansinin naman pala natin yung tatlong kong kasama, sina Ate Maffe, Ate Badet at Ces na nininerbyos na daw, at baka di nga raw sila makapagsalita. Tawa ako ng tawa sa kanila dahil makikita mo talaga sa face nila na kinakabahan talaga sila. Ate si Ate Maffe na todo ayos ng camera nya, dahil lowbatt na daw, yun pala sobrang tensyonado na. Si Ate Badet? Ayun ayos ng hair nya, at si Ces? Si Ces na sobrang excited na, sabi ko this is the moment guys..

Ayan parating na si Bea, may kausap sya sa phone, kinalabit sya nina Ate Chelyns, at sinabing kami nga yung imimeet nya, nagHi sya, and ako naman ay nagpakilala na, nakakataba ng puso na she even recognized me..:love: pinakilala ko na ung tatlo, then sabi ko si Ces nga na galling pang Singapore wants to meet her, then nagsmile si Bea and told Ces na mag-enjoy sa vacation nya, sana narinig ni Ces ito, dahil nakatulala na sila eh. hehehe



Nako nababablangko ako! Pwede next time na lang kasunod?hehehe, pinepressure pa ako nung 2 dito.. ibubuko daw ako nung isa, at yung isa ipopost daw yung scaps ng HB na nandun ako.. tama ba naman yan? Makatarungan bay an? Hehehe.

Start na ng question and answer alam ko naming yan yung iniinntay nyong lahat.

Bago yan, Bea ask if nanood ba kami ng Homeboy, sabi ko, yup nndun kami sa audience, she told na bat di nya daw kami na kita, sabi nmin, dami kasing tao eh.

Tinawag nya si Cousin nya, at nagkwentuhan sila ng konti, about dun sa episode ng HB, then konting bulungan. Bea introduced us to Shaina, nagHi sya sa amin. Naalala ko na nung nag-iintay kami sa labas ng studio akala nmin si Bea na yung naglalakad, yun pala si Shaina. Sabi ko nagkakahawig na kayong dalawa. Si Bea sumagot “ ayy, maganda na rin ako”(ang humble ng BEIby natin) sabi nga namin, parehas kayong maganda, then nagbbye na rin si Shaina

(hindi na ito yung sunod-sunod ha. )

I asked Bea if why sya lagging nagguest sa Homeboy, sabi nya semi regular na daw kasi sya dun, tawanan nga kaming lahat, I also said na at lagging natatopic eh tungkol sa love, nagsmile sya na makahulugan ha.. sabi ko pa sa knya na ang daming nareveal, we even didn’t know na crush mo pala si Christian. Sabi nya nakakahiya nga eh. Then sabi ko “dami rin feedbacks nung last episode mo yung about Dr. Love..” namula sya and sabi nya “ayy, uwi na po ako then tawanan.

I asked her if why hindi pa sila nakakapagpromo ng MSKM, she said “kasi paurong urong yung playdate, sabi Sept, then Oct.” follow up ako na, so sa Oct na yung MSKM? She said “baka, since wala pa kaming ganong natatapos kasi lagging umuulan, like nung Monday nga daw sa pier (Sulpicio line) all star cast sila dun, biglang umulan ng malakas, wala silang natape na scene, ang ganda ganda pa nga raw ng arrangement, ginastusan pa daw talaga yun nasayang dahil di sila makapagtape. Sabi ko, sayang naman at sobrang hintay na hintay na kami dun, sabi nga ni Ces, nung Nov pa yung last soap nya, Oct na ngayon. Sabi ni Bea excited na rin daw sya kasi sobrang ganda nung mga scenes nila. Ganda ganda daw nung storyline.

Dahil MSKM ang usapan, syempre siningit ko na, “so, madalas kayong magkasama magtaping ni cruz?” nagtaka si Bea, “Cruz? Ahh si John Lloyd!” sabi ko, “yeah si Cruz..” then nagcomment sina Ate Mafe, “uyy hurt..” si Bea nagsmile then sabi ko ng mahina, love ko pa rin sya, narinig pala ni Bea, at nagsmile sya :D.

Yung Lovespell nila.. yes cancelled na nga raw, ang gulo nga daw eh, kasi nabook na iyon, then pinacancel, then binook ulit, then pinacancel ulit. Sabi ko naman kay Bea, saying naman, 1 month pa naman yun at naexcite kami nung malaman namin yun. Sabi nya, “oo nga eh :(, pero may your song kami. “ni Cruz? :eek: “ si Bea “uhuh, I think sa August 24 sya ittape” sabi ko naman, sige punta kami ha, and she said “sure”, natuwa ako kay Ces kasi ask nya if where yun, sabi ko baka along metro manila, and si Bea nag agree, sabi pa nya “usually pag your song manila lang”
Sabi ni Ces “ sana manila lang para makaounta kami” sabi naming kay Ces, bakit nandito ka pa ba nun? Sabi ni Ces, “malay natin. Sabi ko naman, baka ipapacancel nya flight nya, si Bea tawa ng tawa.

Yung Wowowee nya, itatape yun, sa Thursday daw yung taping nila.

I asked her din if may pupuntahan pa sya after, sabi nya wala naman daw, pahinga lang since wala pa syang tulog, galing pa kasi sya ng taping, ito na yung time na nagpapapicture kami, sila pala muna, dahil ako todo daldal ako, at kinarir ko nga si Bea. Nung turn ko na para papicture, aba at muntikan ng malowbatt yung camera. Habang hug ko si Bea, tagal nga eh. then after ko papic, daldal ulit ako.



I asked if tuloy yung movie nya with Sam Milby, sabi nya, yes pero namove na naman daw. I asked din if matutuloy din yung movie nya with Cruz, sabi nya, di sya sure pero ma nakabook sa knila na meron nga.. I even teased her pala bout Sam, nakalimutan ko lang kung ano yung exact na sinabi ko..

Sinabi ko rin na, slim na sya ngayon, di sya naniniwala, sabi nga nina Ate Badet, “oo payat ka na..” di pa rin sya naniniwala, sabi ko nga yung face nya lumiit na, sabi nya “yung face ko lang lumiliit pero yung body….” I’m not sure if RM nya yung isang girl na kasama ni Ate Chelyns, sabi nung girl “Bei, yung face mo liit, parang ganito na (pinaliit nya yung face nya) yung body mo ganito..” she was teasing Bea, then si Bea nahihiya. Na kinukurot nya yugn girl sa tagiliran, sabi ko talaga.. “no, true naman na payat ka na.” nag-agree sina Ate Badet, Ate Mafe at Ces sa akin. Sabi ko pa kay Bea, di naman kami bias, totoo lang yung sinasabi namin” Nagsmile si Bea.

Naalala ko sabi ko pa kay Bea, since napansin ko na ako yung sobrang daldal sa aming apat, sabi ko “ang daldal ko sa personal noh?!” then bigla syang tawa ng tawa.

Then nagpaalam na kami, sinabi naming na kailangan nya na pating magpahinga, then nagbbye na rin sya, nagkissed sya sa amin, and said thank you. Nagthank you rin kami pati kay Ate Chelyns.

Kumustahin naman natin ulit ung 3 kong kasama na sobrang starstruck kay Bea.
Si Ces, kinakalabit ako, “Trina, ang ganda ganda nya at ang tangkad..”
Si Ate Badet na nagrereklamo dahil did aw nakatingin si Bea sa camera while nagpapapic sila, sabi ko sinong may kasalanan.. sabay sabay silang 3 “ IKAW!” nagulat ako bat ako?
Kasi daw, dinadaldal ko si Bea while nagpapapic sila.. (nasisisi pa tuloy ako! :depressed: )

NgCR muna kami before lumabas ng ABS, at dun nagmoment na kaming lahat, wala naming tao sa CR eh.. natouched naman ako sa knila, kasi nagthank you sila dahil, dami daw nilang info na nakuha bcoz of me, dahil kinausap ko daw ng kinausap si Bei. :bashful:


THANK YOU PORTION

Tita Mayang, sobrang thank you po talaga, maraming maraming thank you, kasi without you, it would not be possible for us na magawa yun, and thank you po dahil talagang chineck nyo pa kami if ok kami dun, and di kayo tumigil up to the last min, ng hindi nagiging ok ang lahat, thank you po talaga, thank you rin po sa mga txt and sa mga calls.

Tita Nina, thank you very much din po, kundi dahil sa inyo di kami makakapasok sa loob, sobrang thankful po kami na may isang Tita Nina na nandyan for all of us. Sana wag po kayong magsasawa.

Ms. Rhea, thank you pop ala at magandang pwesto ang nakuha naming, thank you rin at di kami nag-intay sa labas. Text nyo lang po ako.

Ate Chelyns, sobrang thank you talaga, kasi inalalayan mo kami para makausap si Bea, thank you talaga. At thank you sa pag-aalaga kay Bea.

Ate Rose, sana magaling ka na, ang thank you talaga at lagi kang sumasagot sa mga texts ko, at lagi mo rin akong binibigyan ng updates, sana next time makapagkwentuhan tayo.

Ate Mafe, thank you sa mgagandang shots. May moral lesson ka pang sinasabi, pero thank you talaga. Ikaw ang clown ng buhay ko, alam mo naman session everynight, next next week, alam mo na yun

Ate Badet, kumusta naman ang babaeng walng pahinga?thank you rin at nakajoin ka,happy ako at nameet nyo na ni si Bea. Sana one of your happiest moment ito.

Ces, my friend. I hope napasaya ka naming cybers, gusto ko kasi masulit mo yung vacation mo ditto. tska napromise rin kasi naming na umulan umaraw mamimeet mo si Bea, sana happy ka. At nag-enjoy ka.

Bea Alonzo, may napasaya nanamang isang kapamilya este cybers, natutuwa ako na you always find time to meet us kahit wala ka ng pahinga, yung ilang minutes nay un 20-25 mins, sobrang napasaya mo kami. Hindi lang si Ces, si Ate Mafe and si Ate Badet yung napasaya, pati ako. Na naremember mo pa talaga, nakakataba ng puso. Sana hindi marami pang laughters at kwentuhan tayong maexperience, para sa akin, sobra mo akong napasaya. Nahihiya nga ako kasi daldal ko eh. I hope sa susunod mas madaldal ako. :D
Thank you very much talaga.

Comments: Post a Comment


SHAKESPEARE r
simple yet beautiful
happy and contented
generous yet selfish
pessimist and optimist... sometimes

CHEEK OF NIGHTr
Lindsay Lohan
HALE
BAMBOO
MYMP
Counting Crows
Senti Songs..

HIS BOUNTY r
SM Leni: sugar, spice & everything nice
KYM: On HIATUS
Pau: With A Smile
Sab: Rain and the Rainbow

Genie in a BOTTLE r
ipod video
digital camera
computer
nokia n90
nokia n70
lots of shoes

Cool Stuff r
Look Closely r
Check 'm out r





BRINKr


PAST LAYOUTSr
Image hosting by Photobucket
Image hosting by Photobucket
Image hosting by Photobucket
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.comGet awesome blog templates like this one from BlogSkins.com