http://www.makepovertyhistory.org
        [(Don't you know it)]
Wednesday, November 15, 2006
♠ 5:55 PM




The cutie pie gerald of pbb teen edition. i met this guy last oct 10, i talked to him, he was so nice. and lovable, hope she will recognize me the next time we see each other..

his fans are so lucky, this guy has something to prove. ;)

Sunday, November 12, 2006
♠ 1:36 PM
Yesterday, parang di ako satisfied na di ko man lang naka-usap si Tisay, likod nya nga lang ang nakita ko kahapon eh, kaya ito go ako sa Wowowee taping nya with Ate Maribel and Tita Nini.

Saturday, 2pm, nasa Mcdo q. Ave na kami ni Ate Maribel, waiting till 3:00pm para go na kami sa Starbucks sa ABS, kasi dun ang meeting place namin. Kwentuhan muna kami at tingin tingin ng mga pics sa laptop ni Ate Belle, sabi nga nya, napapaisip pa rin sya, pati ako napapaisip pa rin.. hehehe

Nasa starbucks na kami, we’re just waiting for Tita Nini to arrive at malapit na nga daw sya. Nung dumating sya, wait na lang namin si Tita Nina, while waiting dumating si Zsa zsa Padilla. Lumapit sya dun sa may mga medyo matatanda at kinamayan nya, sabi nya ok naman na daw sya, then dahil medyo masyadong maraming tao sa Starbucks, nilapitan na sya ng iba, nagpaauthograph yung iba at nagpapicture. Then pumasok na rin sya sa loob ng ABS, dahil may presscon pa nga daw sya.

Dumating na si Tita Nina, nasa dressing room na nga daw si Tisay at kinunan ng VTR, for Shaina’s bday celebration for ASAP, tapos na nga rin daw magrehearsal at recording para sa ASAP. Dumating na rin yung pamangkin ni Tita Nini na si Sheryl. Medyo naharang pa kami ng guard at wala daw advice sa knila na magpapasok papuntang wowowee, tumawag pa tuloy si Tita Nina kay Mr. Rene (yung asst. direk ng wowowee), at pinaka-usap nya ito sa guard, buti na lang at din a raw gaanong busy si Mr. Rene at sinagot ang tawag.

Unang pinuntahan namin yung dressing room ni Maja, dahil nandun yung ibang gamit ni Tita Nina, nakita ko sa labas is “dressing room… Bea, Maja, Karel.. pero may strike yung kay Karel at pinalit is yung name ni Angelica P.” Then akala ko, punta na kami sa studio ng wowowee, pero pumasok sa isang room si Tita Nina, dressing room pala ni Bea yun, nakita namin si Ate Lyn at Ate Chelyn, medyo di ko nakita si Bea at si Ate Maribel ang nagsabi na “uyy, si Bea oh.” Nakisilip na rin ako, may kausap sya sa fone at nakatalikod sya, paharap sa mirror, tumayo sya at nagHI sya sa amin, nagulat ako at ang initial reaction ko is.. “Anne Hathaway, ikaw bay an??” binaba nya yung fone nya, sabay ayos ng hair nya, sabi ni Tita Nina, “Bei, Anne Hathaway daw..” then sabi ko, “yeah, hawig mo si Anne Hathaway.”(I forgot lang yung movie where I saw Anne na ganon ang hair style, Sabi nya, “sa prada? Kay Anne yun eh.” (referring to Anne Curtis) then sabi nya “I think si Jennifer Love Hewitt, yung sa movieng I know what you did last summer..” sabi ko naman, “ahh, yeah, hawig rin ng hair style mo yun..” then sabi ni Ate Maribel, “Bei, papicture..” sabi ni Tita Nina, “ipopost yan.” Then sabi ni Tisay, “ayy, ayoko, baka mapre-empt yung sa soap, pero sige na nga, para malaman ko reactions nila.” Then nilagay nya yung red na headband, bagay na bagay. Then nagpicture na nga.









Funny thing abour this is, I kept on telling her na ang ganda ganda nya, na medyo :bashful: na sya, kasi banggit ako ng banggit, sabi ko, bagay yung hair nya sa knya, at pati yung dress nya, that time na nakablack na tub sya at red na skirt (yung skirt na ginamit nya sa ASAP bday nya) then nakahigh heels sya, at lumitaw talaga ang kagandahan n g ating Beiby, sbrang lumabas ang pagkatisay nya, sabi ko nga sa knya, she should wear a lot of those clothes, kasi mas slim syang tignan, and now with her new hair style, eh ma e-emphasize pa lalo. Then nagpose sya na parang model..(take note guys, wala pa syang make up dito, memake upan pa lang sya.) Ang cute nya pa dito, sabi ko, “nalulungkot ako..” sabi ni Bea, why daw, sabi ko, “kasi malapit ka ng maging Jackie.. ayoko muna, gusto ko Princess ka muna..” then sabi nya, “Oo nga eh, malapit na akong maging Jackie, pero nakakamiss din talaga yung mga scenes na yun, miss ko na rin yung Tanay..” biniro ko sya, “yung mga lamok dun, namiss mo rin ba?” tawa sya ng tawa at sinabing “oo, daming lamok dun..” then pinakita nya yung braso nya, sabi ko, “buti nga wala ka ng mga insect bites eh.” Then ang sabi nya, abangan daw yung mga scenes this week, kasi sobrang gaganda daw at for sure magagandahan daw tayo..

Then nabanggit nga ni Tita Nini na si JL ay may ilang scenes pa nga sa Tanay, kaya babalik sya, dun nga nasabi ni Bea na maganda yung lugar at nakakamiss.

Biniro pa nga namin si Ate Chelyn, na nahahawa na sya kay Bea at nagpose pa sya na parang isang model, tinuro pa nya si Ate Lyn, at tinanong kung nakita ba namin sya dun sa palegke, kasi naextra nga daw si Ate Lyn, nagsasandok daw ng sago, tawa kami ng tawa. Then nabanggit nga yung said scene where Princess was buying paprika, dime, oregano, bay leaf, lemon.. sabi nga ni Tita Nini, sosyal na sosyal ang dating.. Then sabi ni Bea , “oo nga po ingredients ng herbal chicken with potatoes.” (with matching sosyal accent pa yun ha.) then, sabi ko nga, kusang lumalabas yung pagkasosyal na character nya sa soap, na to think, pano nya nalaman yung mga ingredients na yun, tapos yung herbal chicken, sabi nya, ganon nga daw talaga, may mga ganong patients daw, na kusang lumalabas.

Then nagpaalam na rin kami, memake upan pa kasi sya for her # sa wowowee.

Hinatid kami ni Tita Nina hanggan sa may pilahan papasok sa wowowee studio. Pagdating namin dun, pumila lang kmi sandali, then pinapasok na rin kami sa studio. Dun kami sa ituktok naupo, dun sa di gaanong kita.. sabi nga namin kay Tita Nini, ipractice yung kanyang boom tarat tarat..:lol: ng mapiling bigaten, ayaw nya daw.. :lol: matagal din nag briefing yung staff ng wowowee, then pumasok na nga si Willie, nagboom tarat tarat na rin, then nag-opening na, tinawag na sina Maja, Angelica, at huling huling tinwag ang Beiby natin. Nakared na coat si Tisay, with matching scarf na red, and a beret (I don’t know kung beret ba ito, bsta for winter climate sya) then sa loob ng red coat, naka-tub syang white, white short skirt, black belt, then black na long boats.

Si Bea ang nasa gitna, then start na ng sing, si Maja muna then Angelica, ang funny nitong scene na ito, kasi we we’re waiting Bea sa baba, dun sa stage where Angelica and Maja are. Pero nagulat kami nung lumabas sya dun sa mga hole sa may itaas, ibang iba sya knina sa dressing room, mas maganda pa rin sya pag walang make up. Di ganong halata yung new hairdo nya, kita lang yung curls. Then bumaba sya, sing ang medyo dance na with Angelica at Maja. Nung matapos yung # nila, nagpapicture na sandali si Bea then, umalis na kagad. Makikita off cam na close talaga si Bea at Maja sa isa’s isa.. nagbubulungan pa talaga sila.

Medyo umabot pa kami sa willie of fortune. Then we decided na umalis na dahil, nagtxt si Tita Nina na, opening nga lang daw si Bea. Then umuwi na rin.

Medyo ayaw pa nga kaming paalisin ng guard, dahilbaka mapagalitan sila, edi kunwari magsi-cr lang kami, pero dumeretso na kmi pababa..

Then labas na kami. Nag-insist si Tita Nini na sumabay na kami, kahit hanggang Panay Ave lang sa may Mcdo nga, feeling ko tuloy nakasakay na ako sa sasakyan ni Bea, since parehas sila ni Tita Nini ng sasakyan. Though medyo napalayo kami ni Ate Belle, ok lang.. masaya naman.

Then sa Edsa naghiwalay na kami ni Ate Belle.

Hay, till now sobrang overwhelmed pa rin ako, lucky namin na isa kami sa mga unang nakakita ng new look ni Bea, at sobrang bagay talaga sa kanya. *okay*

Tisay, you’re always been good to us, thank you sa pagharap, thank you sa little conversation with you. Grabe ang ganda ganda mo talaga. :)

Saturday, November 11, 2006
♠ 1:22 PM
Hi everyone..

Yesterday, it’s a fantastic day for me, :hmm: why kaya?
Brief lang itong ikkwento ko, kasi yung mga office mate ko decided na magbreakfast sa Eastwood, dun sa somethin’ fishy, buffet kasi dun at mura pa. I saw 3 ABS van, binibiro ako ng mga officemates ko, sabi si Eli at Princess mukha daw yatang nagawa sa Eastwood, hehehe.. Nung makita namin ang MUP, si Winnie Cordero, feature story yata nila is yung mga foods sa somethin’ fishy. Yun lang. hehehe. Eastwood kasi eh, Eastwood!

I’ll start na, stretching muna.. Medyo hindi na kasi ako sanay eh. it’s been awhile kasi since I last did this job.

Nakatanggap ako ng txt na sa Tomas Morato lang ang taping nila sa may Mocha Blends, harap ng Baang Coffee. Nagkita kami nina Ces at Ate Malou sa may Mcdo, then go na kami sa T. Morato. Kaso pagdating namin dun wala na sila, at nasa Alabang na nga daw, wala na kaming balak na pumunta pa dun, since malayo nga. Kaya nagpunta na lang kami ng ABS, kasi sina Ate Rachel, Ate Maribel at Ate Nerisse ay sasama daw. Wait namin sila sa Cork, kwentuhan ng konti. Then nung dumating na sina Ate Maribel at Ate Rachel, ayun at nagpaplano ng pumunta ng Alabang. Pilitan ang nangyari, kasi wala pa akong tulog. Tapos baka late na kami makauwi dahil fri at matraffic papuntang south. Ayun at nagwagi sila, napasama nila ako. May tanong ako sa sarili ko… Ready nab a ulit ako?

On our way sa Alabang, daming kwentuhan na nanangyari. Daming share na experiences about Bea at JL. Nakaktuwa, na nakakarinig ka ng mga ganong bagay, kilig, mapapaisip ka, na tulad ni Ate Maribel, na hanggang makarating kami ng Alabang, eh ang layo ng tingin..hehehe

Nung makarating kami sa mismong location nila, una ko kagad nakita yung sasakyan ni JL, na starex. Di ko napansin na katabi pala nun yung sasakyan naman ni Bea na Fortuner, natatakpan kasi ng van. Una kong nakita si Kuya Boy at Kuya Ferry, tinuro nila na nasa loob nga ng van si JL, si Bea nasa loob daw at minemake up-an. Dun sa tapat ng van ni JL, dami ngang mga tao.. sumisilip sa window. Daming gusting magpapicture sa knya. Bumaba nga ng sasakyan si JL at nagpaunlak na magpapic. Nung matapos yun, nakita nya kami at kinawayan. Lumapit kami sa knya, ang kaso ay may lumapit at magpapicture daw kaya lumipat kami sa other side ng road. May isang babaeng naka wheelchair ang nagpapicture sa knya. Nung matapos yon, kami naman yun kinausap nya, at sumunod kami sa sasakyan. Nagpapicture, sabay tanong kung sya ba yung talaga yung boses dun sa nangharana sya kay Princess, sabi nya hindi daw sya. Yung kukunang scene sa knya is night effect pa, so gabi pa yung kukunan sa knya, kaya wait muna sya dun while waiting, matutulog nga daw sya, bumaba sya kasi hindi daw sya makatulog sa loob ng bahay (na pinagtatapingan nila) kasi medyo maingay nga daw dun. Sabi nya, si Bea nasa loob daw at minemake up-an sabi nmin, oo nga. Sabi nya itext daw si Ate Chelyn para daw malaman na nandun kami, sabi namin alam na nya, kaso mahirap daw makapasok, sabi ni JL, oo nga mahigpit kasi eh. Maya maya lang pumasok na sya sa sasakyan nya at magpapahinga daw muna sya.







Lumipat kami ng side kung saan nanun sina Kuya Boy at Kuya Ferry, ask ko kung ano yung scene na kinunan kay Jl, sabi nila nandaya lang ng scene, nagtutulak daw ng kariton si JL. Hindi daw nya nakita yung scene mismo, kasi natutulog daw sya. Lumabas nga si Ate Chelyn, mahigpit nga daw at minemake upan si Bea. Si Sam ay nandyan nga daw sa loob, pero patapos na, lalabas na rin maya maya. Pumasok na nga sa loob si Ate Chelyn. Sumabay kami kaso sa may pintuan nga lang. si Bea nasa taas pa daw nagtataping, si Sam pababa na, daming gustong magpapicture sa knya. Naggive way kami. Sabi ko, papicture na rin tayo Ate Nerisse kay Sam. Sabi nya sige. Then nagpapicture nga kami, with matching kiss pa. :D labas kami ulit kasi pinapalabas kami ng staff.



Wait nga namin na matapos si Bea, 6pm na pero di pa rin sya tapos, bumaba na rin si JL sa sasakyan. Nag-ask sya kung nagkita na kami ni Bea, sabi nmin hindi pa kasi may kinukunan pang scene. Then pumasok sya sa loob, then lumabas ulit. Dun naman sya sa kabilang gate. Dumating si Jodi Sta. Maria, with her son. Nagkwentuhan sila, at maya maya lang ay pumasok sila sa loob, nag greet siya kay Bea. Dahil sa sobrang pagka addik namin, pumasok kami sa loob, at sumilip sa may bintana. Nasilayan nga nmin si Bea. Nakarobe sya ng tulad sa last time na soot nya, may curls na nga yung hair nya. Sa loob ng room yung setting kaya si pwedeng makapsok. Nalaman naming na matatagalan pa si Bea, kaya we decided na wag na syang intayin at umuwi na dahil 7pm na nun. Nagpaalam n kami kay JL. Sabi nya intayin na dawn min si Bea, 3 scenes na lang naman daw yung kukunan, sabi nmin wag na, din a rin namin maabutan yung MSKM. Nagpapicture ng konti. Nagbilin na rin ako na i-hi at ikiss si Bea for us.. hehe, (ngumiti sya dito) at nagbiro pa sya na sasabihin nya daw na, hindi na daw nmin nahintay si Bea, kasi ang tagal tagal nya daw.. joke lang naman daw. At dun nagbye bye na kmi… 





Sam, thank you sa kiss..hahahahah :bashful:

Lloydi, ibang klase ang kamay mo, alam mo talaga kung saan sya dapat.. hahahaha :bashful:

Thursday, November 09, 2006
♠ 8:10 AM


we're here at the taxi on our way to the office, we had breakfast in of course the place to be.. somethin fishy.. ;)

Wednesday, November 08, 2006
♠ 1:17 PM


hello! ginagaya ko lang po ang idol ko.. look familiar.. hehehe

Thursday, November 02, 2006
♠ 4:48 AM
share ko lang, leni forward it to me..
so nice...



SHAKESPEARE r
simple yet beautiful
happy and contented
generous yet selfish
pessimist and optimist... sometimes

CHEEK OF NIGHTr
Lindsay Lohan
HALE
BAMBOO
MYMP
Counting Crows
Senti Songs..

HIS BOUNTY r
SM Leni: sugar, spice & everything nice
KYM: On HIATUS
Pau: With A Smile
Sab: Rain and the Rainbow

Genie in a BOTTLE r
ipod video
digital camera
computer
nokia n90
nokia n70
lots of shoes

Cool Stuff r
Look Closely r
Check 'm out r





BRINKr


PAST LAYOUTSr
Image hosting by Photobucket
Image hosting by Photobucket
Image hosting by Photobucket
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.comGet awesome blog templates like this one from BlogSkins.com