http://www.makepovertyhistory.org
        [(Don't you know it)]
Thursday, August 31, 2006
♠ 1:09 PM
Hi everyone!
Musta naman ang mga buhay buhay nating lahat?
Hope masaya kayo tulad ko, na lagi na lang may ngiti sa mga labi.

Alam ko naman na hinihintay nyo itong kwento ko.
So start na tayo.

Sunday pa lang nakatanggap na ako ng texts na may Homeboy daw si Bea, syempre pa may texts na rin na nag-aask kung pupunta bad aw. Since Tuesday yun ng live, ok lang naman sa akin dahil wala akong class ng Tuesday, Thursday. Ask ko na mga ADDICT friends ko if join sila. May 3 na 50/50 at may isang sure na sure na sobrang excited. Ako ok lang naman sa akin kung hindi ako makapunta, since last Thursday nga ay nakita ko naman na sina Bea at JLC, tska nahihiya rin ako kay Bea na ako na lang palagi nyang nakikita.. heheh.

Monday night yung 2ng 50/50 hindi na nga makakasama itago natin sila sa pangalang Ate Badet at Ate Maffe. Yung isang 50/50, ayun at makaksama daw sya si Ate Maribel nga. Yung sure na sure na nagpapcute dahil ang sabi nya ay, “trins, ok lang naman sa akin kung di matutuloy, next time na lang..” kunwari pa! Ces ibubuko na kita, binuko mo ko eh!hehehe. Pati si Rachelle ay sasama na din daw.

Around 7am, Tuesday. Si Ate Maribel din a makakasama dahil may gen meeting sila. Kaya kami na lang nina Ces cousin nya na si Jewel at si Rachelle.

Sa totoo lang medyo up to the last min nagdadalawang isip ako 8am na nasa office pa rin ako, na ang usapan namin dapat 8am nasa Mcdo na. Kachat ko pa nga si Ate Tess at Ate Rochie and asking them if tutuloy pa ba ako o hindi. Not in the mood na rin kasi may ‘dumalaw’ na!

Pero syempre nakakahiya naman na hindi ituloy since si Ces eh nasa byahe na! Kaya Go na rin.

Sa Mcdo mga quarter to 9. Nandun na sina Ces, Jewel (cousin ni Ces), and si Rachelle. Smile smile lang ako kasi nga ‘nalowbatt’ ako.

Pagdating namin sa Studio Gallery ng ABS, di pa kami pinapasok ng guard wait daw namin si Ms. Rhea na susundo sa amin. Pagtingin ko sa time 9:31am na, patay baka mahuli na kami, dumaan na nga sa harapan naming si Boy Abunda na naka white ang black. Umaandar ang oras and I need to do something, kesa naman nakatayo lang kami dun, inisip ko yung possible na pwedeng gawin. Pero malabo nga. Kita ko na rin sa mata ng mg kasama ko na frustrated na sila. Kasi anong oras na nga rin at wala pa si Ms. Rhea. So naisip ko na dun kami sa kabila dumaan, sa may tabi ng Audience Entrance, sabi ko pa sa sarili ko, pag di kami pinapasok dito, aakyat na ako sa pader!heheh, joke lang.. Pagdating ng gate, ask ko si Kuya Manong Guard if pwede ban a dun kami dumaan, para sa Homeboy. Hinanap ko rin si Ms. Rhea, sabi kakapunta lang daw dun, ngek! Then dedma si Kuya Manong Guard sa amin. Kailangan gamitin ang charms :D kaya pinakiusapan talaga ng maige, na sabi ko pa, dyan lang naman po yun eh. at sinabi ko pang malelate na kami since live nga sya. Kaya pinapasok din kami, nakuha yata sa titg si Kuya Manong Guard, natawa pa ako kasi may nauna sa aming makapasok yung main stay na yata ng Homeboy na parang mala Aling Marcia, sabi nya, “bakit sila madali mong pinapasok?ako kandahirap na sa hawak ko di mo pinansin kagad!” binulong k okay Manang na “kindatan nyo kasi, sayang ang eyeshadows at eyeliner nyo”

Nakita na naming ang pila ng audience for Homeboy, at nakuu mga bagets pala ito.. Nakita ko na rin si Ms. Rhea pero di ko lang makausap dahil may kausap din sya. Mga ilang minutes lang kami pumila at pinapasok na rin, then natyempuhan ko na pagpasok ko sa pinto, nakita ako ni Ms. Rhea, at biniro ko sya na di nya ako tinext na may guesting pala si Bea, sabi nya sa akin, addict mo talaga kay bea.. Ask ko sya kung sino pa ibang guest di daw nya alam dahil absent daw sya. Pagpasok ko, aba yung mga kasama ko naka pwesto na! sa ituktok, kaso nga lang pinalipat kami ng lugar dahil masyado daw bata sa episodes yung nasa ibaba, kaya sa ibaba kami nilagay. Eh alam nyo naman ako pasaway, nakalimutan ko yung bag pala dapa sa likuran, kaya binulungan pa ako ni Ms. Rhea. At kaya pala di nya ako tintex dahil nanakaw daw yung isang fone nya where in naka-store yung # ko.

Ngayong nasa set na kami, medyo nabuhayan na ulit ako na loob, dahil excited na ulit akong makita si Bea.

Antay antay lang kami sandali, dahil inaayos pa ang set. Sabi ni Jewel, nakita nya daw sa vtr JOHN LLOYD CRUZ AND BEA ALONZO daw, nagulat ako dahil si victor yung alam kong kasama ni Bea na magpoprote ng YS. Di ako naniniwala kaya kinonfirm ko pa, pagbalik ni Ms Rhea sa side ko, ask ko kung si JLC at Bea nga ba, then sabi nya OO daw. Mas lalo pa tuloy akong naexcite kasi tagal na rin mula ng nagHB sila together. Feb pa yun.

Pagpasok ni Tito Boy sa set, pasok na rin yung ibang guest. Unang pumasok sina Jason at Maja, then si Dominic at Angelika, after ilang mins sina JLC at Bea naman. Humalik si Bea kay Tito boy, then kay Maja and Jason then pumunta sya sa side nina Dominic at Angelika. Sinabi pa ni Dominic na sumeseksi daw si Bea. Kasunod ni Bea si JLC, na nakipagkamay naman kay Dominic then humalik kay Angelika.

Nagbbriefing na yung isang girl dun sa mga guest. Nasa mood si Lloydi na kulitin si Bea, si Bea naman kunwaring pupukpukin ng mic si JL. Then parang practice na sila ng adlib, si JLC bumulong kay Bea, then tawa ng tawa si Bea. Narinig ko lang biglang pinag-usapan ni Dominic at Angelika si JLC, kasi ganda daw ng sapatos, sabi pa ni Dominic mahal nga daw yung ganong rubber shoes, yung kay Jason maganda din daw.

Nung unang gap na sina Bea at JLC ang sinalang, di ko ganong makita sila kasi yung camera man humarang sa harap ko, samahan pa ng pagkalaki laking flower base. Bago magqueue si Tito Boy nagkukulitan sina Bea at JL, kaya nung after commercial break nag-adlib si Tito Boy na napakasweet nung 2 at panay ang bulungan, kasi naman si JL binibiro ng binibiro si Bea, tska while yung Shamrock kumakanta, sobrang lakas ng sounds sa studio, di ka na talaga magkakarinigan unless ibulong mo.

Nung commercial para sa gap nina Dominic at Angelika, sina Bea at JL naman ang umupo dun sa inupuan nina Dominic, natawa pa nga ako kina Bea at JL. Kasi si Bea kwentuhan to the max kay Maja, nakatalikod sya kay JL, kaya ginawa ni JL, humarap sya dun sa isang teacher at dun sya nakipagkwentuhan, then humarap sila, may sinabi si JL, at si Bea naman ay pinalo si JL.









Nung portion na nina Dominic at Angelika, Dominic mentioned about Magic, nakalimutan ko lang kung anong question, pero JLC was teasing Bea, then Bea rink ay JLC. Tinitutok ni JLC yung mic kay Bea na parang alam nya na may sasabihin si Bea, then si Bea pinasa yung mic kay JL na parang alam nyang may sasabihin ito. Then yung kumakanta yung fruit shake ba yun, bulungan ng bulungan yung 2, then ngingiti si Bea.

Then si Tito Boy mention nya na si Bea daw ang suki nila for live guestings, na parang everyweek nga daw eh nandun si Bea, sabi ni JL, “iniwan mo ko”, sabi pa ni Tito Boy, “totoo ban a one time galling ka pa ng taping then nagmamadali ka daw pumunta dito?” si Bea umoo, tawa sya ng tawa.. Dominic butted in sabi nya, “bakit di nyo pa sya gawing co-host?” sabi ni Tito Boy, “malapit na!” sabay tawa.

Nung time na nina Maja at Jason, nagkabiruan nga about love, kasi di nagkakatugma yung opinion ni Dominic at JL. Nung commercial gap nila, tawa pa rin ng tawa si Bea.

Then nung nasabihan sina JL at Bea na kakanta nga sila, nagulat si JL kasi di nga nya alam sabi pa nya, “sure kayo kakanta ako?” sabi ni Tito Boy, “lloydie kaya mo yan, ito na yung moment mo.” Then tawanan, si Dominic tinitease na nya si JL kasi alam nman nya how JL sing.. hehehe




He even asked for Bea’s help sabi pa nya, “diba girl yung kumanta ng howdid you know?” sabi nung girl, may version din si Gary V. sabi ni Bea sa kay JL, “kaya mo yan, singer ka nga eh” then si JL kunwaring kukurutin si Bea, then si Bea tawa ng tawa. Before magqueue, si JL lakd ng lakad, di sya mapalagay, then isang chair lang yung nndunsa stage, umupo si JL, sabi nya kay Bea, sa lap na lang daw nya umupo si Bea.



Nung nagsising na sila, kasi mala live MTV nga yung gagawin nila so bahala na yung mga teams, parang impromptu ang mangyayari. Kita naman sa tv na may haplos haplos sa hair.. Hawak sa likod..




Then after nun last gap na nila to promote, then JL ask Tito Boy if it’s ok na magreet sya ng Get well soon for his Mom. Then ask ni Tito Boy what happen sa Mom ni JL, di ko na narinig kung ano eh, pero joke nya si Tito Boy na napatawag daw Mom bcoz of the song # he did.



Then prmote na sila, nagreet sya ng get well soon for his Mom, nggreet din si Bea for JL’s Mom. Si Tito Boy, sabi nya pa kay Bea “Bea, co-host”





After nun, lumabas na nga kami nagpauna na kami. Dumaan kami dun sa likod para di gaanong crowded yung area, si Bea naabutan ko pa sa labas, nagHi ako sa kanya, sabi nya sa akin “ohh, nandito ka ulit?” nahiya ako sabi ko sa kanya, “ayy nahiya naman ako, sabi ko na nagsasawa ka na sa mukha ko.” Sabi ni Bea, “no, no. hindi natutuwa nga ako na nandyan ka palagi.” Natuwa naman ako sa sinabi ni Bea, na nun ko narealized na wala nap ala mga kasama ko sa likod. Si JL nasa likod ko na pala while si Bea nasa harap ko. Kaya naman saksi ko ang mga pangyayari. Ask ni JL if uuwi na si Bea, medyo hindi ko narinig yung sagot ni Bea dito, ingay din kasi daming palabas na mga tao, then si JL kiniss na si Bea to say goodbye and..

Nagmamadali si Bea, si JL I asked him if pwede ba papicture, like nung Homeboy before, na-interrupt sandali kasi yung handler nya na si Ms. Neneth may sinasabi sa knya, I think JL also here is in a hurry, kasi sabi nya kay Ms. Neneth, sandali lang po tita, yungdamit ko nasa taas pa, papalit lang ako. Then sabi ni Ms. Neneth, bilisana nya.

Nung magpapicture na kami, before yun, he looked at me, then narecognized nya ako, naalala nya yung sa YS taping, sabi ko sa knya “ang gwapo mo ngayon lloydie” Then hinawakan ko pa yung kurbata nya. Sabi nya sa akin, “regular ka na dito?” natawa ako sabi ko sa knya, “kapag regular na kayo ni Bea dito, magreregular na rin ako.” Natawa sya sabay pinch ng cheek ko. Nagulat nga ako eh. Natawa pa ako sa sarili ko kasi, magpapicture na kami naalala ko walang pang magpipicture sa amin, buti na lang nahagip ng mata ko yung cousin ni Ces na si Jewel, at sya yung kumuha. Then inakbayan nya ako, hinug ko naman sya, infairness to JL, pumayat talaga sya kasi last feb ng homeboy, nung hinug ko sya chubby pa sya nun, ngayon pumayat na sya. Before he said goodbye, nagbeso pa sya sa akin. Na later na lang nagsink in sa utak ko. :love:

Tska dumating sina Ces at Ate Rachelle, at nagpapic din sila with JL.

I looked for Bea again, since nawala nga sya, sabi ni Ate Rachelle pumasok nga daw dun sa may tabi ng exit, sa may dressing room pala yun. Pumunta na kami dun and wait si Bea na lumabas. Pagkalabas nya may nagpapicture pa sa knya, halatang nagmamadali na sya pero smile pa rin. Nung nagpapicture kami sa kanya, I even teased her about the co-host thing, tawa sya, I asked her if uuwi na pa sya, sabi nya yes. Naalala ko na wala pa pala sya tulog dahil dumeretso sila sa homeboy from taping. Nagsorry naman sya na nagmamadali nga sya. And even said thank you sa papunta namin.

Sa mga nakasama ko sa Homeboy, Ces, Ate Rachelle, Jewel(na namesmerized sa loveteam at humihirit pa ng uulitin daw.) sana makasama kita ulit. Salamat sa inyo. Sa uulitin.

Kay Ms. Rhea na inenjoy ko ang kwentuhan natin. Basta sa susunod papakain ka ha. Hehehe Salamat po.

Ate Chelyn, na pagkakitang pagkakita pa lang sa akin eh, nakakaway na, salamat, na nandyan ka palagi. Parang alam mo na kagad yung gagawin mo after the show ah.

Bea Alonzo, salamat sa time, sabi ko nga ‘you know how to make me feel blessed’ salamat ng marami. Sobra talaga, sobrang masaya ako everytime na nagkikita tayo. Once a week na nga eh.. hahaha. Salamat at hindi ka nagsasawa sa mukha ko.. :)

John Lloyd Cruz, you took advantage of me! Hehehe. Salamat sa time mo na kahit nagmamadali ka, eh di mo ko iniwan ng ganon lang. Mas mahal kita ngayon. Sa inyo ni Bea, you know how to treat those people na nagmamahal sa inyo. Kaya mahal kayo ng mga tao eh. At sana wag ka/kayong magbabago.

Salamat sa pagbabasa.
And hope you enjoyed it.

Sunday, August 27, 2006
♠ 5:03 PM


here's a pic from last thursday, i'm with my ate maribel and ate tess. hope to have a bonding moments with them soon. gonna miss my ate tess that soon to fly going to New Zealand. gonna miss you BIG ate!

Saturday, August 26, 2006
♠ 4:55 AM


while eating my Bacon Mushroom Melt.. yum yum!



what some frosty?hmmm

Friday, August 25, 2006
♠ 5:00 PM


sooo tired of the longggg day i had..
i took this yesterday inside ate malou's car.. we're on out way to K9th at my back it ate maribel, while striking some of her jokes...

Thursday, August 24, 2006
♠ 7:42 PM
Plano na magkita sa Mcdo sa may Quezon Ave. ng 7:30am, unang dumating si Ate Maribel, wait naming sina Ate Tess at Ate Badet, para sabay sabay na kaming pupunta sa location.
Hindi ko na sasabihing late sina Ate Tess at Ate Badet ng 30 to 40mins.. amin amin na lang yun..heheh

Nagtaxi na kami papauntang Tomas Morato, since nandun na sina Ate Malou, Ate Maffe at Ces. Nndun na rin sina Bea at JLC sa location.. on our way to the loc. Chikahan kami ng konti sa taxi, since tagal din naming di nagkita.. biruan at kulitan.. si Ate Tess, behave sya, kasi sobrang happiness nya, at happy ako s kapatid kong ito :)

Pagdating naming sa Baang Coffee ng 8:30am, nakita naming na may nagseset-up na ng mga lights at camera, nakita na rin naming yung van nina Bea at JLC, magkatabi.. Nakita na rin naming sina Ate Malou, kumakaway na parang artista si Ate Maffe eh..:)

Nagpunta na kami sa may café, napansin ko lang na dun yung location ng NTIHY nila, yung nagkita sina Betsy at Morellos Comma Michael. :love:

Tita Nina was there pala, naabutan nina Ate Malou, kaso umalis na kasi she have to go to work pa.

Ask ko na kagad sila kung nasa na yung 2, sabi nila nasa taas na daw, minemake up-an na daw, ask ko sila if nagpakita na sila kina Bea at JLC, sabi nila hindi pa daw.. kaya inaya ko na sila para umakyat, pumasok na kami sa loob ng café, ask nung isang café staff if taga abs kami, kasi dip ala pwedeng papasok dahil reserve yung place na yun. Then ask nya if kasama kami nina Bea, nagyes na lang ako, kaya pinaakyat na kami. Ako yung nauuna kaya una kong nakita si Bea nasa dulo sya, katabi si Ate Tess, kaharap nya yung laptop nya, dahil free ang wi-fi dun sa café, kita ko rin si Lloydie na nakaupo sa folding chair habang minemake up-an sya. Nakita na ako ni Bea and nagHi sya sa akin, si Lloydie nakita nya rin ako at nagHi ako ang ngumit sya, nakakatawa kasi habang nagHi ako kay Lloydie, may nabangga pa ako, nakita yata ni Bei kaya napasmile sya, hinahanap ko yung mga kasama ko, nndun pa sila sa may hagdan kaya sabi ko, “lapit na kayo!”. Nung kaharap ko na si Bea, she gave me a kiss, na nagulat pa ako. Kasi sya pa talaga yung tumayo para makipagbeso sa akin. :love: then nagkumustahan kami, sina Ate Malou katabi ko na, para ilan lang kami this time, Ces, Ate Tess, Ate Badet, naiwan yata sa baba sina Ate Maffe at Ate Maribel. Ask ni Bea “di po kayo pumasok?” sagot ni Ate Malou “Leave kaming lahat”, natawa nga si Bea eh. Nag-offer si Bea na umupo kami, since katabi ko na yung chair, umupo na nga ako.. hehehe. Naalala ko si Ate Tess, since nalalapit na nga, I want her to be happy kasi, tska gusto ko kasi magkamoment sya sa 2 before di nya na magawa.. (Ate you know what I mean naman eh) kaya sabi ko “Ate Tess, halika..” pero nahihiya nga sya kaya ayaw nya, I explained to Bea kung bakit ko tinatawag si Ate Tess, then Bea said, “why naman sya nahihiya eh, madalas naman na tayong nagkikita..” I told Bea, na pumapayat na sya, pero don’t take it too much, kasi baka magkasakit naman sya.. she said yes and nagsmile sya. Nagpaalam pala ako sa knya I said.. “Bei wait lang ha, magHi lang ako kay Lloydie.” Sabi nya sure daw. Lumapit na nga ako kay Lloydie, hindi pa sya tapos make-up-an, nung una akong nagHi di nya yata narinig dahil wala yatang voice na lumabas sa bibig ko, kaya inulit ko.. at naghello sya sa akin. I told him na pumayat nga sya at nagkamaskels na sya, ang cute ng reaction nya kasi parang nagpacute pa sya.. then sabi ko, “dito muna ako kay Bei ha.” Umok sya. This time tumabi na ako kay Bea since bakante yung chair sa tabi nya. I asked her kung anong song ang gagamitin sa your song nila, she mention Nyoy’s song na ‘nasaan ka’ and yung song ni Barbie Almalbis na ‘Dahilan’ (not sure ditto, correct na lang po nyo ako).



May nagcomment na staff na maganda daw yung hati ng hair nya, then inayos nga nya eh, I commented na “oo nga Bei, bagay sa iyo yang maikli, though maganda pa rin yung long hair mo before.” Sabi nya, “oo nga eh, namiss ko na yung hair ko before” sabi ko pa “bagay naman yang ganyan sa iyo eh” she said “thanks, ok na rin naman itong maikli, mas madali pang iblow dry dahil maikli lang” since dala ko yung SSM sept issue ko, gusto ko sanang ipasign na rin, pinakita k okay Bea yun, nagulat nga sya na aga naman daw ng copy ngaun, then nung makita nya yung page portion nung kanila ni JLC, sabi nya “nung 18th bday ko pa ito ah” then tinawag na sila, kasi start na ng shoot nila. Sabi pa ni Bea, nood po kayo ha.. sabi ko naman, cge watch lang kami.

Pagbaba namin, dun ko lang narealized na nandun pala sina Ate Maffe at Ate Maribel sa baba, hindi na lang daw sila sumunod, at ang sabi sa amin, mauna na daw muna kami, mamaya na lang daw sila, nagreready pa sila eh..

Pumunta na rin kami dun sa side where magtatake yung scene, nakita na rin naming sina Kuya Boy at Kuya Ferry, di pa nga naming sila napansin kung di pa ako tinwag ni Kuya Boy, ayun, konting kwentuhan..



Inaayos pa yung scene, then mayamaya nagtake na sila. Mainit ang haring araw sa mga panahong ito, kaya pinapayungan si Bea dito. Si JLC naman kasi nakasakay sa taxi, dahil yung nga yung scene nila. Natapos na yung scene kaya umakyat muna sila, para magchange costume na rin. Yung mga set-up inayos para ilipat naman sa kabilang side. Dahil ibang side naman kukunan, kaya dun kami sa may harap ng bangko pumwesto, dahil makukunan daw yung sa banda namin. Pasilip silip na lang kmi, then lumapit yung asst dir, sa amin, at ask niya “fan kayo ni Bea at John Lloyd?” nag oo kaming lahat, sabi nya “gusto nyong magparticipate? Upo lang naman kayo eh” ang sabi ko sa asst dir, “ saan po ba kami pupwesto?” at sabay hila ko kina Ate Tess. Kami lang nina Ate Malou at Ate Tess ang sumama, dahil ayaw daw nung iba. Umupo lang naman kami, dun na parang customer kami ng café. Sila Ate Badet alam ko nandun sila sa likod ng mga camera men. Nung matapos na yung scene balik kami dun sa pwesto naming kanina sa dulo ng café, kwentuhan lang muna kami. Nilipat nanaman yung mga camera, dun kabilang dulo naman, kaya punta kami dun, para manood ulit. Ito na yung scene na magkakasabay sila sa pagtawag sa taxi, and they both decided na silang 2 na lang ang sasakay. While nagrereherse, nood lang kmi, lumapit ako kay Ate Chelyn, ayun chikka chikka muna kami, at nakita ko nga na hawak nya yung script, kaya binasa ko muna, ayaw pa nga nya kunwaring ibigay kasi baka di na daw kami manood. Pero binigay naman nya. Unang page info about BEA, yung totoo ha, hindi yung sa your song character nya. Nakalagay yung call time, and yung mga things to bring nya for that day. Sa 2nd page naman yung mga characters na, she will play Sandy while JLC is Tonton. Binasa ko yung script at natuwa ako sa mga scenes nila. Ask k okay Ate Chelyn if magiging sila sa huli, kasi nga most of your songs episodes eh hindi happy ending, sabi nya hindi pa daw nya nababasa kaya di nya alam, kaya binasa ko yung dulo.. SECRET na lang muna kung ano yung ending.. wait na lang nyo, heheh, then ask ko syta kung when ipapalabas, sabi ni Ate Chelyn, di pa daw nya alam, narinig ako nung isang staff at ang sabi nya sa akin ay end of sept pa nga daw. Nagbibiruan kami nina Ate Chelyn, ng biglang sumigaw yung staff na “hoyy, payong naman dyan, si JLC naiinitan oh” sabi ko tuloy, “uyy baka may payong kayo dyan, papayungan ko so Lloydie, naiinitan sya” tawa ng tawa si Ate Chelyn, sabi pa nya, “sige payungan mo, chance mo na yan” hahahaha, si Bea kasi pinapayungan, and si JLC naman nasa lilim. Then ask ako nung staff dahil kulang sila sa talents nila dun, kung gusto ko bad aw maglakad lang daw, kasi nga kulang sila, sabi ko, “hindi ho, SHY TYPE ako eh!”

Then nung matapos na yung scene nila. Si Ate Badet na kanina pa nangungulit sa akin na papicture daw sya kay JL, at ako talaga ang kinukulit nya, kahit isa lang daw (aba, aba ate Badet, at gusto mo pa yata ng pangalawa at pangatlo.. hehehe) kaya inask ko si JL if pwede papicture, umoo naman sya, napapicture na kmi nina Ate Badet, Ces, at Ate Malou. I ask him rin if dun sya sa _____ sya naggy2m, he said yes, sabi ko, kasi yung friend ko dun before nawowork.

Lipat uli sila ng mga camera at lights, dun naman sa mismong Baang coffee sila kukuha ng scene, nandun kami sa dulo ulit, at talaga pinakita na naming yung pins naming sa iba na di nakasama sa picture taking, sabi ni Ate Maffe, hinahayaan lang daw nila kami mauna, kasi baka daw magulat kami pag sila na daw ang nagpapicture.. :lol:

Nagchange costume na ulit sina Bea at JL, lumapit ulit yung asst dir sa amin, if gusto daw naming ulit na makasali dun, 2-3 lang naman dawn a tao, tumayo ako at sabi ko “tara na pinag-iintay natin si dir. Saan po ba kami?” tawa sya ng tawa, dun nag kami pinaupo sa loob na café, nagbigay sya ng instruction na pwede daw tumayo tayo, para bumili kunwari ot mag-CR. Nag yes, kami, inayos nya blocking naming ni Ate Malou, yung gusto nya dawn a nakikita kami. If gusto nyong Makita si Ate Malou, madali lang naman sya, sya yung pagkatapos nina Bea at JL, ay sya naman yung bumili ng ice tea (Ate, thanks sa libreng ice tea) totoo pong binili nya yun ha .. Lumapit sa amin si Ate Tess (make up artist), sabi, talents na rin kayo? Biniro ko nga sya na, “oo nga eh, kaso libre ito, for the sake of love, pangalawa na nga ito eh, ni libre kape o tubig wala.. hehehe”



Ito yung time na nagkukulitan na sila ni Bea at JL, may inorder kasi sila sa scene na ice coffee yata, na hawak ni JL. Si JL may sinabi sya na may nagustuhan daw sya cake sobrang haba nga daw ng name eh yung ‘blueberry cheesecake _____’ hindi na daw nya maalala yung huli. Pinag-uusapan nila ang DIET dito, tapos kulitan, inaalaska nga nila si Ate Tess (make up artist) na isa na ring talent ngayon, dahil nasa isang scene din sya. Jl mention yung CARBS, kasi hirap daw yun, pag marami. Kaya hinay hinay sila, at sobrang nagkakasundo sila ni Bea, dahil on diet silang 2. di talaga tinitigilan ni JL si Ate Tess (make up artist) dahil, ginagaya nya pa nya kung pano magsalita si Ate Tess (make up artist) at si Bea tawa ng tawa, sinabayan pa nga ni Bea na bat daw hindi nag lip gloss si Ate Tess (make up artist) sabi ni JL, if kukunin bad aw nya yung lip gloss para mag-apply si Ate Tess (make up artist). Nagtake na sila, kaso nagcut yung dir. Di daw maganda yung kuha, kaya nung 2nd take kinulit ulit ni JL si Ate Tess (make up artist) na nahuli nila kinakain yung props na cake. Sabi ni Lloydi, bat mo kinakain yan, di yan kasama sa script.. nagtake na ulit sila, sabi ni direk, hanapin daw nina Bea at JL yung camera, nagkakasapawan daw kasi, si JL lokoloko talaga dahil, talagang hinanap nya yung cam, sabi nya pa “nasan na yung camera? Nasan na?” kaya nahampas sya ni Bea dito, sabi pa ni Bea, “JL biling bili mga jokes mo ngayon” nagtake na sila, pero pinaulit dahil ibang side naman daw yung kukunan sabi ni direk. While waiting sila sa queue ni direk, si Bea kumakanta dito, ung song na ‘a moment like this’ ni Kelly Clackson, while JL is reading the menu. Then may minention si JL na dapat daw absorb ni Bea, di ko na ito nakuha kasi si Ate Malou pinapakunan ng pic yung 2, na di ko magawa, kasi nahihiya ako, isa pa baka ma conscious sila. Tapos ngumiti pa sa akin si Bea, kaya wag ng picturan…Nung natapos yung scene bumalik na kami ni Ate Malou sa iba, natatawa ako kay Ate Malou, na wala daw syang marinig sa kwentuhan nung 2, eh nasa likod lang naman nya nun sina Bea at JLC eh.



Kwentuhan muna kami, since may scene pa na kukunan sa may veranda ng café, at ditto nyo abangan si Ate Tess, dahil This is her moment, nagmonologue lang naman sya mag-isa dito. Dahil nga kulang sila ng talent kaya ask ulit sa amin si asst direk if ok lang ba, isa lang daw. Si Ate Tess na nagbabasa ng magazine ang tinuro, kahit ipagpatuloy nya daw pagbabasa nya. Isang table lang pagitan nina Bea, JL ate Ate Tess ditto at sa likod naman ni Ate Tess is Rannie Raymundo. Go Go Ate Tess! :)

Ito na yung time na kumakalam na ang sikmura naming lahat, dahil 12 noon na rin naman nun, kaya we decided na kumain na muna kami, sa Chili’s sa harap ng Baang coffee.

Sa Chili’s order kami ng food, at thank you ng marami kay Ate Malou na sya ang nagtreat sa amin ng lunch. Ng matapos kami, dahil nakita namin na nadun pa rin sina Bea at JL wait pa naming, kaso wala na kami mapagpupwestuhan kaya punta kami sa Mocha Blends at umupo muna sa labas, eh di pwedeng umupo ng di ka nag-oorder, kaya si Ate Malou ay nag-order muna ng ice coffee. Nakita na naming si Bea na papasok na ng van nya para pumunta sa next location, ito nga yung sa K9th. Pero yung ice coffee ni Ate Malou ay di pa rion dumarating. Kaya nung dumating, tinimplahan muna nya then pumunta na kami sa kotse nya, at susundan na yung sasakyan ni Bea, si JL nandun pa, matutulog pa sya ng sandali, then go na rin sa K9th. Sobrang saya nitong bonding na ito sa car ni Ate Malou dahil, puro kami mga assuming sa time na ito, na si Ate Maribel daw eh nakita nya yung van ni Bea na papuntang EDSA na sinang-ayunan naman ni Ate Maffe. Kaya punta kami ng K9th, namedyo naligaw pa kami dahil nakarating na kami sa kung saan saan. Na lahat ng kanto ay pinagtatanungan namin, na medyo nainis si Ate Maffe dahil may isang mama na dumedma sa beauty nya, hehehe.

Nang marating naming ang K9th nakakatawa naman dahil wala naman yung van ni Bea dun, kaya pinatext na si Kuya Boy, ay na tinawagan pala ni Ate Maribel, na kunwaring nahiya at pinasa sa akin ang cel nya, talaga naman pala wala kaming aabutan dun dahil na rin, nasa ABS pala si Bea, at quarter to 3 pa daw pupunta sa location.

Pinask nila if nandun pa kaya si JL, tinext ko si Kuya Ferry, kung sana ang next location nila, sumagot naman agad at sinabing k9th daw pero mamaya pa nanadun pa rind aw sila sa Baang Coffee. Kaya we decided na go na lang kami ng ABS para sundan si Bea. Dumaan pa rin kami ng Baang Coffee, dahil isa lang naman ang way nun papuntang ABS, at wala na dun ang sasakyan ni JL.

Nang papunta na kami ng ABS, txt ulit ni Ate Maribel si Kuya Boy kung nasa si Bea, sabi ni Kuya Boy wait na lang daw nya kami sa audience entrance kaya punta kami dun, nagpark kami sa isang resto na nakalimutan ko yung name. Na kinailangan pang pakiusapan.

Nakita na naming yung van ni Bea at hinintuan kami ni Kuya Boy, ask nya kung saan kami ng park, sumabay na daw kami, at pinapasok nya kami sa van ni Bea, sumabay na daw kami ibababa nya dw kami sa pinagparkingan namin. Wow, nakasakay rin kami sa sasakyan ni Bea, at una kong nabungaran pwera sa kumot at unan nya ay may copy sya ng Metro Mag yung cover ay yung mga lead guys ng Star Magic. Tumatawag si Bea kay Kuya Boy kaya quiet muna kami. Sinabihan kami ni Kuya Boy na magpapark daw sya sa Benjamin Bldg. (tama ba yung name?paki correct na lang po) sa may tapat daw nag lobby, nakakatwa ito dahil, hindi nya nilinaw maige, hindi nya sinabi na yung Benjamin Bldg is dun sa may kanto hindi sa tapat ng lobby, dahil yung mismong lobby is sa ELJ Bldg, pumaok pa tuloy kami sa loob ng ABS, at nagamit pa tuloy naming yung name ng friend ni Ate Tess… nung pumasok kami, magpapark n asana kami kaso puro OBvan yung pwede dun, kaya hindi pwede.. assuming kasi eh! haha, si Ate Maffe nakita nya yung van sa labas, niloko nga namin na baka assuming na naman yun.. pero nndun nga talaga sa labas, sa mgay tapat ng Benjamin Bldg. Kwentuhan kami nina Kuya Boy, sila lang pala, kasi medyo lowbatt na ako nito, pagod na rin kasi 3:30 na rin nito. Group pic kami nito, then nagtext na nga na aalis na, nagkausap na rin na convoy na nga lang dahil maliligaw na naman kami. May ilang 2 mins kami nag-intay sa tapat ng ELJ, then lumabas na yung Van, then stop malapit sa may Studio Gallery, bumaba si Ate Chelyn pati si Kuya Boy at may dala pang mani inalok kami at sabi nasa loob pa ng mag-net si Bea dahil may binibili pa. 10mins, may traffic enforcer na lumapit sa van nina Bea, bawal kasing magpark, umikot yung police yun pala kami na isusunod at sinabi naming kasama namin yang van, then lumabas na nga sina Bea, at may dala na silang SSM sept issue.. convoy na kami papuntang K9th nakaktuwa dahil alalay lang sa pagmamaneho si Kuya Boy, kasi baka mawala na naman kami! Hehehe

Nung nasa location na, naghanap kami ng pagpapakingan sa kabilang kalye lang. Then nakita na rin naming yung sasakyan ni JL, at pababa nga sya naka havaianna sya na blue, pumasok na sya sa magiging bahay nya sa episode na yun, halatang kakagising nga lang. Sabi ni Ate Malou na papapicture daw sila sinabi nya kay Kuya Boy, si Kuya Boy sinabi nya kay Kuya Pip. Nakita ko na rin si Aaron nito, dahil sya ang gaganap na kapatid ni JL. Si JL nagbabasa ng script, kaya sabi ko mamaya na lang magpapic.

Pumunta na kami dun sa harap ng bahay (kuno) ni Bea sa YS, nilalagyan na nila ng halaman sa labas. Then nagseset-up na nga sila. Dun kami sa may likod ng camera, pumunta na si JL sa may harap ng bahay ni Bea, para magready na, sumunod na rin si Aaron, at nagrehearse na sila. Sobrang cute ni Aaron na sarap sarap pisilin, sina Ate Tess at Ate Maribel di na nakatiis at pinisil na nga, at nagpapicture. Nagrehearse na rin sina Bea, JL at Aaron ng scene nila, may nagguide kay Aaron kung paano nya babanggitin ung mga lines. May time pa nga na pinasayaw ni asst direk si Aaron at sunod naman ito, si Bea at JL tuwang tuwa kay Aaron.si JL nga nakipaglaro kay Aaron, na kunawaring sinusuntok nya si Aaron, at sumusuntok naman si Aaron, habang si Bea eh, nakatanaw sa 2.

Ang scene kasi is nagdidilig ng orkids si Bea, na dapat yung pangspray lang na maliit ang gamit, pero ang gamit nga dun ni Bea ay hose. Sinenyas ni JL yung dapat na pagdilig at kung pano pindutin yung hose “Bei dapat ganito…” at pinakita nga ni Bea kung paano.

Twice kinunan yung scene. At nung matapos sila dahil 5pm na nga at time for us to go home, nagpapicture na sila. Dahil nga lowbatt na ang aking body hindi na rin ako nakapagpapic, pero ok lang since higit pa dun yung nagawa nilang 2 sa akin. Tama na yun.

Nagbbye na kami sa kanila. At sobra akong natuwa sa naging gesture ni JL, Bea is all smile talaga. They really look good together.

Wednesday, August 23, 2006
♠ 5:29 AM

Tuesday, August 22, 2006
♠ 2:44 PM


it's saturday today, here at figaro, in front of our office building, waiting for my colleagues to get back, btw khen's car was tired luck! poor khen, she have to pay for it, 500 bucks.. ohhh, i'm hoping that next time she park her car in the unauthorized place, check the time girl! hehehehe

♠ 6:03 AM


we're here in greenwich, we took our break.
we ate the mozzarella garlic, tasted like the cheese and garlic of sicilian express, but i like the latter one..

hope you had your luch too.

Monday, August 21, 2006
♠ 3:58 PM

♠ 2:47 PM


getting ready for my turn..
it's been awhile since my last visit here.
don't have time eh.
but now, here i am!
going to prick my face again, ouch!



after the painful pricking..
here i am..
i have a facial mask here.
it's a menthol, so i'm a bit relaxed..

Sunday, August 20, 2006
♠ 6:37 AM


just woke up, but still sleepy. after the tagaytay yesterday.. i think i have to sleep again..

back to sleep

signing off!

Saturday, August 19, 2006
♠ 10:58 PM
going to share some pics during our way to tagaytay, (talisay, batangas)



we're on out way to SLEX..
just took pic, while Khen is driving, Chelcean, Michelle and Love was teasing me.
they are calling me 'Bea' HMP! hehehe



we're here in bacoor cavite.



Love here, we're alreasdy here in dasmarinas cavite...
hope tagaytay is a inch away from us!



look at that..
tagaytay.. here we come!!!!



we are all excited to land in tagaytay!! whooooo



we are here in tagaytay!!..
took some pics.. see the ff.



see the scenery behind us?
that's the taal volacano, we'll gonna go down there to see it.. not actually face to face, but we're going to taal lake..

Wednesday, August 16, 2006
♠ 3:56 PM


i'm not feeling well, due to weather, i have colds and headache..
just taking my rest, after a long stressed day!

Thursday, August 10, 2006
♠ 4:38 AM




having breakfast in chowking..

here with me is michelle, khen and another michelle.. :)

Tuesday, August 08, 2006
♠ 8:46 PM
"Crush kita"

Ces, Ate Badet, Ate Maffe and Me

Ito nanaman po ako, ako nanaman ang inatasan nila para sa gawaing ito. Medyo mala nobela nanamn po ito.

Around 8:30am umalis na ako sa office para mameet ko na ang iba sa Mcdo. Si Ces nakasabay ko na pala sya sa mrt. Kaya sabay na rin kaming pumunta sa mcdo, nakita na naming nag-aantay si Ate Mafe sa amin habang kumakain ng pancakes, si Ate Badet na lang ang wait naming, kumusta naman yan at 5am na eh nasa office pa nila, wala syang tinulog. Kwentuhan ng konti at pinacheck ko na rin yung camera na dala ni Ate Mafe if ok nab a, wait lang kaming matapos yung food ni Ate Mafe para makaalis na kami, I was thinking kung saan ba kami dadaan if sa audience entrance ba or sa ELJ Bldg mismo. We decided na sa audience entrance na lang, then pagdating naming, sabi sa amin di pa daw sila naaadvice about sa Homeboy kaya tinuro kami sa Studio Gallery entrance, pagdating naming dun, nag-ask na ako sa guard if pwede na bang pumasok and sinabi ko na rin yung contact naming, buti at nndun na rin si Ms. Rhea na nag-a-assist sa mga audience ng Homeboy. She approached me then she guided us papasok sa loob ng studio. Mga 30-40 mins siguro kaming wait sa labas, since naghahanap pa sila ng ibang audience. Then after nun papasok na kami sa Studio 9. Syempre naghanap na kami ng magandang upuan, kung saan kitang kita naming si Bea pero di ganong kita sa camera (kaso nakita pa rin pala kami).

Nasa loob na ng studio si Shaina nagrerehearse sya nung song # nya na “I think I’m in love” mga 15 mins siguro yun, pumasok na rin sina Aaron Agassi and si Sam Concepcion. Nagkada ngawit nga ang leeg ko kakatingin if nndyan na si Bea eh, ilang mins. na lang at magstart na yung show, yung 3 nasa stage na maliban kay Bea. Nung nag queue na magstart na at sing na sila ng syaramdaram, kaya if mapapansin nyo wala si bea sa opening # nila, at may nagtilian na mga audience kasi lumabas na si Bea. Then after nung song si Bea tumatakbong papasok. Sya yung unang sinalang sa show, while practice ng konti sa song # nya na pasulyap sulyap, then there are times na tinignan nya yung face nya sa monitor and hawi sya ng hair nya, ask nya rin kay Ate Tess kung anong magandang bagsak, pati nga yung cameraman nagsuggest.



Sobrang nakakakilig yung episode na ito, napansin nyo naman how Bea reacts sa mga surprises na yun, lalo na yung kay Aga. Na din a sya makapagsalita after, between take, si Tito Boy kinuha yung 3 pics, yung kay Binoe, Aga at Marc. He asked sa audience if sino kasama ni Bea. Then pinaabout nya yung pic, sabi nya kay Bea yan. Then nagkatinginan pa kami ni Ate Chelyns at kinilig kami, while sya pinakita nya yung pic ni Marc..



Nakakatuwa nung si Christian Bautista na yung lumabas kahit kami nagulat na si Christian eh crush pala nya. Napaka spontaneous nung reaction ni Bea na tumakbo sya sa tabi ng cameraman dahlia sobrang hiyang hiya sya. Nakakatuwa while Christian was serenading her (Can This Be Love) nagpaflash sa background yung mga nagging movie ni Bea with John Lloyd, na si Christian Bautista na yung face. Bumagay yung face ni Christian sa AAL poster, nagulat pa ako na si Ian pala yun. After nya kantahan si Bea he even gave her yung album nya na tuwang tuwa si Bea.





Next gap si Shaina na, while nagrerehearse si Shaina nung song nya, umupo sa may gilid sina Bea at Christian, at napansin ko binulungan ni Christian si Bea, at ang Bea kilig na kilig. Tingin ko they where talking about yung surprise guy for Shaina. Kasi sabi ni Shaina, “sino yun, sino yun? Kakakaba naman.”

Nakakatuwa si Bea, she even took a picture of Shaina and Eric while eEric was singing This is the moment, sa cellphone nung isang writer yata ng Homeboy, then napansin ni Shaina yun, Bea said na “Cousin, this is your moment”

You will notice na Bea is happy, and she is, the way she move and the way she reacts sa mga question, sobrang tuwang tuwa sya.

After ng show, nilapitan ko na si Ate Chelyns, and sabi nya wait lang daw kami dun, and tinuro nya kung saan, nung nagstay kammi dun, aba ang guwardya ung, pinagtutulakan na kaming lumabas, at ang sabi wala na daw iistambay dun, tama ba naman yan, ginawa kaming istambay girls! Sabi ko may iniitay lang po kami, at ang sabi nya “dun kayo sa labas mag-intay.”edi pasimple lang kami sa sulok at baka Makita nanaman kami ni manong gwardya? Sinisilip din naming si Ate Chelyn. Then lumabas muna sina Melissa Ricks then si Arron Agassi, na halatang they like each other. (commernt ko lang yan ha..heheh) medyo nakichikka muna ako, nagHi ako kay Melissa since 2nd time ko na na Makita yang bagets na yan at nakausap. Si Shaina lumabas na rin, papuntang dressing room nila. Nakita ko na si Ate Chelyn kaya nilapitan na naming, ayun at nakita nanaman kami ni manong guard at sinabing, “o san pa kayo pupunta?” si Ate Chelyns ang sumagot at sinabing “kasama po yan ni Bea” kaya quiet si manong guard kita ko pa syang nagkamot ng ulo.. hehehe

Pumunta na kami sa malapit sa dressing room ni Bea at Shaina. Nakasalubong ko pa si Sam Concepcion, at nagHi rin ako sa kanya, nagstop sya then nagHi rin, sabi ko pa sa kanya, “medyo shy ka knina, dahil kay tiffi” nagsmile sya at namula, then nagbbye na sya dahil tinawag na sya.. Ms Congeniality, At Ms. Friendship yata ako nung time nay un, dahil kahit masama pakiramdam, GO pa rin.

At pansinin naman pala natin yung tatlong kong kasama, sina Ate Maffe, Ate Badet at Ces na nininerbyos na daw, at baka di nga raw sila makapagsalita. Tawa ako ng tawa sa kanila dahil makikita mo talaga sa face nila na kinakabahan talaga sila. Ate si Ate Maffe na todo ayos ng camera nya, dahil lowbatt na daw, yun pala sobrang tensyonado na. Si Ate Badet? Ayun ayos ng hair nya, at si Ces? Si Ces na sobrang excited na, sabi ko this is the moment guys..

Ayan parating na si Bea, may kausap sya sa phone, kinalabit sya nina Ate Chelyns, at sinabing kami nga yung imimeet nya, nagHi sya, and ako naman ay nagpakilala na, nakakataba ng puso na she even recognized me..:love: pinakilala ko na ung tatlo, then sabi ko si Ces nga na galling pang Singapore wants to meet her, then nagsmile si Bea and told Ces na mag-enjoy sa vacation nya, sana narinig ni Ces ito, dahil nakatulala na sila eh. hehehe



Nako nababablangko ako! Pwede next time na lang kasunod?hehehe, pinepressure pa ako nung 2 dito.. ibubuko daw ako nung isa, at yung isa ipopost daw yung scaps ng HB na nandun ako.. tama ba naman yan? Makatarungan bay an? Hehehe.

Start na ng question and answer alam ko naming yan yung iniinntay nyong lahat.

Bago yan, Bea ask if nanood ba kami ng Homeboy, sabi ko, yup nndun kami sa audience, she told na bat di nya daw kami na kita, sabi nmin, dami kasing tao eh.

Tinawag nya si Cousin nya, at nagkwentuhan sila ng konti, about dun sa episode ng HB, then konting bulungan. Bea introduced us to Shaina, nagHi sya sa amin. Naalala ko na nung nag-iintay kami sa labas ng studio akala nmin si Bea na yung naglalakad, yun pala si Shaina. Sabi ko nagkakahawig na kayong dalawa. Si Bea sumagot “ ayy, maganda na rin ako”(ang humble ng BEIby natin) sabi nga namin, parehas kayong maganda, then nagbbye na rin si Shaina

(hindi na ito yung sunod-sunod ha. )

I asked Bea if why sya lagging nagguest sa Homeboy, sabi nya semi regular na daw kasi sya dun, tawanan nga kaming lahat, I also said na at lagging natatopic eh tungkol sa love, nagsmile sya na makahulugan ha.. sabi ko pa sa knya na ang daming nareveal, we even didn’t know na crush mo pala si Christian. Sabi nya nakakahiya nga eh. Then sabi ko “dami rin feedbacks nung last episode mo yung about Dr. Love..” namula sya and sabi nya “ayy, uwi na po ako then tawanan.

I asked her if why hindi pa sila nakakapagpromo ng MSKM, she said “kasi paurong urong yung playdate, sabi Sept, then Oct.” follow up ako na, so sa Oct na yung MSKM? She said “baka, since wala pa kaming ganong natatapos kasi lagging umuulan, like nung Monday nga daw sa pier (Sulpicio line) all star cast sila dun, biglang umulan ng malakas, wala silang natape na scene, ang ganda ganda pa nga raw ng arrangement, ginastusan pa daw talaga yun nasayang dahil di sila makapagtape. Sabi ko, sayang naman at sobrang hintay na hintay na kami dun, sabi nga ni Ces, nung Nov pa yung last soap nya, Oct na ngayon. Sabi ni Bea excited na rin daw sya kasi sobrang ganda nung mga scenes nila. Ganda ganda daw nung storyline.

Dahil MSKM ang usapan, syempre siningit ko na, “so, madalas kayong magkasama magtaping ni cruz?” nagtaka si Bea, “Cruz? Ahh si John Lloyd!” sabi ko, “yeah si Cruz..” then nagcomment sina Ate Mafe, “uyy hurt..” si Bea nagsmile then sabi ko ng mahina, love ko pa rin sya, narinig pala ni Bea, at nagsmile sya :D.

Yung Lovespell nila.. yes cancelled na nga raw, ang gulo nga daw eh, kasi nabook na iyon, then pinacancel, then binook ulit, then pinacancel ulit. Sabi ko naman kay Bea, saying naman, 1 month pa naman yun at naexcite kami nung malaman namin yun. Sabi nya, “oo nga eh :(, pero may your song kami. “ni Cruz? :eek: “ si Bea “uhuh, I think sa August 24 sya ittape” sabi ko naman, sige punta kami ha, and she said “sure”, natuwa ako kay Ces kasi ask nya if where yun, sabi ko baka along metro manila, and si Bea nag agree, sabi pa nya “usually pag your song manila lang”
Sabi ni Ces “ sana manila lang para makaounta kami” sabi naming kay Ces, bakit nandito ka pa ba nun? Sabi ni Ces, “malay natin. Sabi ko naman, baka ipapacancel nya flight nya, si Bea tawa ng tawa.

Yung Wowowee nya, itatape yun, sa Thursday daw yung taping nila.

I asked her din if may pupuntahan pa sya after, sabi nya wala naman daw, pahinga lang since wala pa syang tulog, galing pa kasi sya ng taping, ito na yung time na nagpapapicture kami, sila pala muna, dahil ako todo daldal ako, at kinarir ko nga si Bea. Nung turn ko na para papicture, aba at muntikan ng malowbatt yung camera. Habang hug ko si Bea, tagal nga eh. then after ko papic, daldal ulit ako.



I asked if tuloy yung movie nya with Sam Milby, sabi nya, yes pero namove na naman daw. I asked din if matutuloy din yung movie nya with Cruz, sabi nya, di sya sure pero ma nakabook sa knila na meron nga.. I even teased her pala bout Sam, nakalimutan ko lang kung ano yung exact na sinabi ko..

Sinabi ko rin na, slim na sya ngayon, di sya naniniwala, sabi nga nina Ate Badet, “oo payat ka na..” di pa rin sya naniniwala, sabi ko nga yung face nya lumiit na, sabi nya “yung face ko lang lumiliit pero yung body….” I’m not sure if RM nya yung isang girl na kasama ni Ate Chelyns, sabi nung girl “Bei, yung face mo liit, parang ganito na (pinaliit nya yung face nya) yung body mo ganito..” she was teasing Bea, then si Bea nahihiya. Na kinukurot nya yugn girl sa tagiliran, sabi ko talaga.. “no, true naman na payat ka na.” nag-agree sina Ate Badet, Ate Mafe at Ces sa akin. Sabi ko pa kay Bea, di naman kami bias, totoo lang yung sinasabi namin” Nagsmile si Bea.

Naalala ko sabi ko pa kay Bea, since napansin ko na ako yung sobrang daldal sa aming apat, sabi ko “ang daldal ko sa personal noh?!” then bigla syang tawa ng tawa.

Then nagpaalam na kami, sinabi naming na kailangan nya na pating magpahinga, then nagbbye na rin sya, nagkissed sya sa amin, and said thank you. Nagthank you rin kami pati kay Ate Chelyns.

Kumustahin naman natin ulit ung 3 kong kasama na sobrang starstruck kay Bea.
Si Ces, kinakalabit ako, “Trina, ang ganda ganda nya at ang tangkad..”
Si Ate Badet na nagrereklamo dahil did aw nakatingin si Bea sa camera while nagpapapic sila, sabi ko sinong may kasalanan.. sabay sabay silang 3 “ IKAW!” nagulat ako bat ako?
Kasi daw, dinadaldal ko si Bea while nagpapapic sila.. (nasisisi pa tuloy ako! :depressed: )

NgCR muna kami before lumabas ng ABS, at dun nagmoment na kaming lahat, wala naming tao sa CR eh.. natouched naman ako sa knila, kasi nagthank you sila dahil, dami daw nilang info na nakuha bcoz of me, dahil kinausap ko daw ng kinausap si Bei. :bashful:


THANK YOU PORTION

Tita Mayang, sobrang thank you po talaga, maraming maraming thank you, kasi without you, it would not be possible for us na magawa yun, and thank you po dahil talagang chineck nyo pa kami if ok kami dun, and di kayo tumigil up to the last min, ng hindi nagiging ok ang lahat, thank you po talaga, thank you rin po sa mga txt and sa mga calls.

Tita Nina, thank you very much din po, kundi dahil sa inyo di kami makakapasok sa loob, sobrang thankful po kami na may isang Tita Nina na nandyan for all of us. Sana wag po kayong magsasawa.

Ms. Rhea, thank you pop ala at magandang pwesto ang nakuha naming, thank you rin at di kami nag-intay sa labas. Text nyo lang po ako.

Ate Chelyns, sobrang thank you talaga, kasi inalalayan mo kami para makausap si Bea, thank you talaga. At thank you sa pag-aalaga kay Bea.

Ate Rose, sana magaling ka na, ang thank you talaga at lagi kang sumasagot sa mga texts ko, at lagi mo rin akong binibigyan ng updates, sana next time makapagkwentuhan tayo.

Ate Mafe, thank you sa mgagandang shots. May moral lesson ka pang sinasabi, pero thank you talaga. Ikaw ang clown ng buhay ko, alam mo naman session everynight, next next week, alam mo na yun

Ate Badet, kumusta naman ang babaeng walng pahinga?thank you rin at nakajoin ka,happy ako at nameet nyo na ni si Bea. Sana one of your happiest moment ito.

Ces, my friend. I hope napasaya ka naming cybers, gusto ko kasi masulit mo yung vacation mo ditto. tska napromise rin kasi naming na umulan umaraw mamimeet mo si Bea, sana happy ka. At nag-enjoy ka.

Bea Alonzo, may napasaya nanamang isang kapamilya este cybers, natutuwa ako na you always find time to meet us kahit wala ka ng pahinga, yung ilang minutes nay un 20-25 mins, sobrang napasaya mo kami. Hindi lang si Ces, si Ate Mafe and si Ate Badet yung napasaya, pati ako. Na naremember mo pa talaga, nakakataba ng puso. Sana hindi marami pang laughters at kwentuhan tayong maexperience, para sa akin, sobra mo akong napasaya. Nahihiya nga ako kasi daldal ko eh. I hope sa susunod mas madaldal ako. :D
Thank you very much talaga.

Saturday, August 05, 2006
♠ 5:17 AM


while our boss is not around..

Friday, August 04, 2006
♠ 11:16 PM


this is awhile ago in gerry's grill, we're having dinner.
you will see ces, she came from singapore, she'll be staying he until next week for a vacation, that's why we decided to meet her, actually this is one of the plans we made before she flew back here. we had a wonderful night. a laughing night out! we had alot of funny stories to share with. we had so much fun, thanks to ate mafe, on her funny jokes, thanks to tita gemma, still pushing up high my faith about the loveteam we love, and for the concern. :) to jha, for making it! you never fail me sis, ate badet, thanks for coming you always cheer me up, ate belle, i have alot of thing to thank you, alot ate! ate malou for coordinating all of this, thanks alot. ces, sis. the time will come that you will meet her. i hope i can make it sooner. :)

here's another pic from our dinner

Thursday, August 03, 2006
♠ 6:07 AM


this are the prince of star magic..
john lloyd cruz
sam milby
piolo pascual
diether ocampo
and mr. m

this is the cover of metro mag august issue.
i'll buy a copy of this one..

Wednesday, August 02, 2006
♠ 3:12 PM


this is one of the scene in the movie just my luck starring lindsay lohan and chris pine, i haven't seen the movie but what i saw on the trailer, the movie is good. it's about a Manhattan socialite, Ashley(lohan) is the luckiest person in New York. Until, one night she goes to a masquerade ball and meets, Jake(pine). Jake on the other hand has the worst luck. After kissing Jake, Ashley is horrified to find out that she and Jake swapped luck.

what will happen next? that's why i need to watch out for this movie. ;)



SHAKESPEARE r
simple yet beautiful
happy and contented
generous yet selfish
pessimist and optimist... sometimes

CHEEK OF NIGHTr
Lindsay Lohan
HALE
BAMBOO
MYMP
Counting Crows
Senti Songs..

HIS BOUNTY r
SM Leni: sugar, spice & everything nice
KYM: On HIATUS
Pau: With A Smile
Sab: Rain and the Rainbow

Genie in a BOTTLE r
ipod video
digital camera
computer
nokia n90
nokia n70
lots of shoes

Cool Stuff r
Look Closely r
Check 'm out r





BRINKr


PAST LAYOUTSr
Image hosting by Photobucket
Image hosting by Photobucket
Image hosting by Photobucket
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.comGet awesome blog templates like this one from BlogSkins.com