The first year anniversary of cybertopa..Around 3pm I was having a hard time na magpaalam sa parents ko to go out since it was raining and pagabi na nga rin daw.. Around 4pm get ready na ako.. I’ve been texting Ate Malou and Ate Maribel., Ate Malou was really excited na.. hehehe.. Si Ate Maribel was on her way to Megamall to meet Ate Miles and Ate Abbi, to get ready with the party.. 5pm, my parents didn't want me to go out, but I still insisted (am I a bull headed daughter? sometimes..) Ate Malou and I met in Sm North Edsa in front of Andok's..On our way to Robinson’s Galleria to pick up Jha.. Kwentuhan lang to the max kasi may buzz break nga about Miko and Bea.. And Ate Malou said na meron din daw kay JLC, I think it was cutted kasi wala naman pinakita.. I texted Ate Abbi na para sure na sa venue.. We called Jha na wait na lang sya sa may ministop para dire-diretso na.. On our way sa hotel, nagpagas pa pala si Ate Malou and naghanap pa kami ng bank where makakapagwithdraw sya.. Then diretso na kami sa hotel.. Park muna sa basement then sakay na kami sa elevator, when we arrived sa hotel room nadatnan na namin sina Tita Mayang with her daughter Tantan, Ate Maribel, Ate Tess with her Ate Daisy and Kiana... funny kasi parang ilang taon kaming di nagkita nina Ate Maribel at Ate Tess, though nagkita kami nung premiere night at kakakausap lang namin sa phone lat saturday.. Konting chikahan.. I asked for Ate Abbi and Ate Miles, kinuha pala nila yung foods.. After 15mins, Mr. Gilbert Yap and company arrived.. Konting pics for souvenirs.. Then dating naman nina Tita Gemma and her daughter Anya, si Ms. Dorothy dumating din, sya representative ni Ate Nini.. And she have something for us (hulaan nyo) then Tita Mayang asked us (Ate Tess, Ate Maribel and I) to help Ate Miles and Ate Abbi to get the foods.. Nasa lobby na daw kasi sila.. nagmamadali pa nga kaming bumaba, kasi nandyan na nga daw si Bea.. Nagbibiruan pa kami sa elevator na baka makasalubong natin si Bea.. Konting kwentuhan habang hinihintay na makarating sa ground floor.. Pagbukas ng elevator lahat kami nagulat kasi nakita namin sina Bea at Ate Nina, nagulat nga pati si Bea.. Funny itong scene na ito, kasi kaming tatlo nauutal.. Hi and hello lang yung nasabi namin.. Si Ate Tess nasabi na kukunin na nga namin ung foods.. Wait sina Bea at Ate Nina ng elevator.. Kami nilagpasan na namin sila.. Nasabi pa nga ni Bea na "Parang ayaw nyo akong makita ah.." Sumagot kami na, hindi.. kunin lang namin yung food.. Natatawa kami nina Ate Maribel kasi gulat na gulat nga kami sa incident na iyo..lumigid pa kami sa ground.. kasi hinahanap namin sina Ate Abbi at Ate Miles.. Funny thing kasi nakarating ulit kami where nandun sina Bea at Ate Nina.. Kami ngingiti ngiti lang.. para di naman nakakahiya masyado.. I asked her if galing ba sya ng church, sabi nya , sad to say pero nakatulog daw sya sa sobrang pagod at kulang rin sya sa rest, nakakahiya nga raw eh.. Then puro ngiti na lang ang nagawa namin.. Biglang bukas ng elevator, yung mga tao nagsecond look, nagulat na makikita nila si Bea, syempre pa kami proud.. At ang mga crew nagkakandahaba ang leeg kakasilip kay Bea.. Pumasok na nga sila ng elevator, and kami naiwan. Si ate belle nag asked sa isang crew if pwede ba na dyan na lang kami bumaba sa may exit.. Yung isang crew natanong if kasama ba namin si Bea, sabi namin, oo.. Nagcomment na ang ganda ganda daw at sobrang tangkad.. Proud kami dun ha..pagdating namin sa basement parking, di pa rin namin nakita sina Ate Miles, so nagdecide kami na umakyat na lang muna sa ground floor at baka sakaling makita namin.. And yun nakita nga namin sila Ate Miles at Ate Abbi together na with Ate Ria.. yung mga foods isususnod na lang daw.. Sabi pa namin, nndyan si Bea.. Nagulat rin sila, sabi pa namin, nakasalubong namin..Pagdating sa room, nakita namin na si bea nakaupo na at may kausap na sa phone, kami naman niready nanamin ang mga camera at phone namin para sa mga pictures..

May question and answer kagad.. I forgot to tell pala.. Ilang mins. pa lang kaming nakakarating sa hotel, Tita Mayang asked us to write questions na maitatanong namin kay Bea.. medyo nablangko kaming lahat.. And si Ate Tess kinareer ang mga tanong.. yung first few questions si Ate Tess ang gumawa..Question: How do you see yourself after 10 yrs.?Ang sinabi ni bea, siguro daw may business na sya nun.. Tsaka baka may asawa na daw sya, she's not sure di naman daw yun pinaplano eh, baka nga daw after 2yrs may asawa na sya, she never know..Yung naalala ko lang after nitong question na ito is tinanong yata if ano yung gift na maibibigay nya sa sarili nya..and she said siguro lovelife, di ko nakuha yung exact nyang sinabi.. cybers na nakarinig nito paki dagdagan na lang or paki correct..konting picturan, then nagstart na ang host (Ate Tess) bago daw mgstart magpray muna, I played na yung cd.. na may doxology, tama ba ako Ate Tess? Then after that Ate Maribel read a prayer.. And then Ate Tess called Tita Mayang for her speech..Bea commented with this one, sabi nya, parang tribute daw sa kanya yung speech.. After that nagstart ng kumain.. Sila Bea nasa dining and kami naman nasa loob ng room, so I'm not sure kung ano na naging kaganapan sa dining area.. Kami sa loob ng room, nagkabonding bonding kami, and nakapagkwentuhan ng konti.. Then after that dinner nagstay lang muna kami sa room.. Pumasok pala si bea to take a pee, pero naharang sya ng mga nagpapakuha ng pics, ayun kuha dito, kuha doon (ni hindi man lang sya ngcomplain..) then Ate Nina said na magsi-cr nga sya, natawa pa kami even Bea nung sinabi ni Ate Miles na "Baka mamaya basa na pan**y nya!"Ayun after a few mins. lumabas na sya and todo kuha nanaman kami ng pics, umupo muna sya sa kama then tinodo na ang pictures, solo man o group.. nagpaalam na rin si Ms Dorothy..Tita Mayang was so nice na talagang inuna nya pa ako when she introduced us kay Bea, kasi parang may game yata na kung sino matatandaan ni Bea may price.. Ang pakilala sa akin ni Tita was.. "Yan si Trina.. Sa callcenter sya nagwowork.." Bea asked me, "Talaga?" I answered "Yes" sabay dugtong na "Ako si betsy", then napangiti sya, and sabi "Ohh, Betsy.." then papicture na, actually nakailang ulit yata ako nun eh.. Then turn na ng iba, sunod sunod na, i'm not sure if Si Ate Maribel ba ang sumunod (Si Kabayan!) then may time na nagpapicture ang mga maka-JLC with Bea.. nakakatuwa dahil lahat halos sumampa sa bed, excluded si tita mayang, na tinuldukan na si JLC sa puso nya, I didn't saw Tita Gemma dun, (Tita suko ka na rin? ayaw mo na ng rollercoaster?) Nakakatuwa dahil pati si Kiana na niece ni Ate Tess eh, maka PALITS talaga.. Sumunod yung mga maka-Miko daw, nangunguna talaga sina Ate Abbi, nagulat ako pati si Jha at Ate Malou umupo! At ang sabi ni Ate Malou, "Gusto ko lang ng pic with Bea.." Tapos yung mga maka-Sam naman, dyan umupo si Tita Mayang, pati si Ate Nina, ewan ko ba napaupo rin kami ni Ate Maribel dito.. Gwapo kasi ni Sam eh! :Then sabi yung maka-Cholo naman daw, walang umupo, si Bea tawa ng tawa.. Ang kulit talaga..

Then after that, nagOL muna si Bea, at hinayaan namin syang magcompose ng message nya sa interactive.. Kwentuhan kami.. We asked Ate Nina some questions, sabi nya kay bea na nga lang daw itanong after nyang magpost sa interactive..

Nung matapos na sya, sabi ni ate nina i-ask na daw yung gustong itanong, nauna na ako.. I asked her if sya ba yung tinutukoy sa write ups na isa pang leading lady ni Aga M. sa movie nila Aga-Maricel, kasi ayaw pang pangalanan.. Sabi ni bea "How i wish." and naririnig na nga daw nya yang balitang yan. Then naputol ung Q&A kasi daming phone calls ni Bea..
So yun kwentuhan ulit ng sandali, Tita Mayang asked Bea to sign a dedication for cybers, may picture sya and at the back of that picture ilalagay nya yung message nya sa cyber members, kailangan may maalala si bea na something don sa person na yon, inuna ulit ako ni Tita, I'm so happy na natandaaan nya ako, sabi nya "Ikaw yung sa call center? Betsy?" Ayun, medyo nahiya pa talaga ako nun, pero sobrang natuwa ako. At natouched ako kasi natandaan nya ako.. (Thanks Bei! Then sunod sunod na.. Medyo naudlot kasi nga dami talagang phone calls, inientertain nya yung calls then write sya ng message.. Then nagpakuha na rin kami ng pictures, after non, may nag-ask about sa Sharon guesting nya, I'm not sure sa naging answer nya, si Ate Ria kasi yung kausap nya, better ask Ate Ria na lang para accurate. I asked her if she's still a catholic, she said yes, di pa daw sya nagpapaconvert.. I asked her if she's planning, sabi nya, she's praying for it.. I asked her if she still attend to catholic church, yes daw, like nung nagsingapore sila, sa catholic church sya nag-attend..

About the buzz last time, regarding Miko, we told her na JS insisted na sila nga ni Miko.. ang sabi ni bea hindi daw, at iharap daw ni JS ang source na yan sa kanya!She was asked if she like to do a movie with JLC, Miko and Cholo in one film, she said definitely not!, kasi baka daw maging selling point pa yun at ang mga intriga.. sana tama ako with this one :With JLC's bday, she said wala daw party kasi, sabi daw ni JLC wala daw syang pera! eh kakastart pa lang daw ng taping, then nabanggit nya yung sa dance #, so nagfollow up ako.. ang sabi nya sobrang ngarag daw sya sa # na yun, kasi paulit ulit daw nilang nirehearse, tapos may opening pa daw sya nun.. si Ate Nina daw stand as their choreographer, if mabilis daw ang galaw, si Ate Nina ang nagsasabi na bagalan.. Then 10:40pm nagpaalam nya sya, kasi sunduin nya pa yung brother nyang si James.. We said our goodbyes, then she gave us a hug and kiss.


thanks to ate malou, at cj and ate abbi for this pictures.. :)