http://www.makepovertyhistory.org
        [(Don't you know it)]
Thursday, May 25, 2006
♠ 3:19 PM

It’s ALL ABOUT LOVE

Pagkatapos ng tatlong sunud-sunod na hits ngayong 2006 namely “Don’t Give Up On Us,” “Close To You” at “D Lucky Ones” talaga namang wala nang makakapigil sa Star Cinema sa tuloy tuloy sa pagpo-produce ng pelikula dahil sa walang sawang pagtangkilik ng Pinoy moviegoers sa mga stories na ginawa para sa kanila, here and abroad!

Kaya ngayong Mayo at in time for Star Cinema’s 13th Anniversary, heto ang isa na namang irresistible offer mula sa blockbuster producer!

SA UNANG PAGKAKATAON, MAGSASAMA-SAMA SINA JOHN LLOYD CRUZ, BEA ALONZO, ANNE CURTIS, ANGELICA PANGANIBAN, JASON ABALOS AT LUIS MANZANO SA ISANG NAPAKALAKING PELIKULA!

Kilalanin ang three lovepairs na talaga namang nakakabaliw at nakakakilig! Meet Kiko and Kikay, Badong and Wesley at Eric and Lia!

Three for the price of one!
Sa tatlong mga kakaibang kwento na lahat ay… “All About Love.”

Una sa listahan sina Kiko at Kikay! Parehong promdi ang dalawa, pero si Kikay, nag-aral sa Maynila. Dahil sa isang di-magandang insidente na gusto na niyang kalimutan, bumalik si Kikay sa kanyang pinanggalingan at muli niyang nakasama si Kiko. Kaya pa kaya niyang ituloy ang espesyal na pagkakaibigan nila ni Kiko lalo na ngayong ready na si binata para sa next level?

‘Yan si Kiko at si Kikay, na gagampanan nina Jason Abalos and Angelica Panganiban, ang breakout loveteam ng critically acclaimed teleserye ng 2005, ang “Vietnam Rose!”

Samantala, langit at lupa naman ang level sa buhay nina Badong at Wesley! Si Badong, kutsera, pa-tomboy tomboy ang arrive, si Wesley naman, hot na hot sa fashion scene bilang model at girl magnet at sa pagiging apo ng ex-President! Pero kapag pinagsama sila, umaatikabong sweetness naman ang lumalabas! Pero tulad nga ng kabayong tumatakbo sa karera, makarating naman kaya sa finish line ang love story nila?

Si Badong ay si Anne Curtis at si Wesley ay si Luis Manzano, ang pares na minahal niyo sa “Kampanerang Kuba,” nasa pelikula na!

At siyempre, pwede ba namang kalimutan sina Eric at Lia? Si Lia, bride to be, pero parang ‘di na meant to be na maging misis! Si Eric naman, ang love story, tragedy! Nang maging magkapitbahay sa condo, mabigyan pa kaya nila ang love ng isa pang chance sa mga puso nila?

Sino ang gaganap sa kanila? Due to insistent public demand na ipinakita ng box office success of “Close To You,” sina John Lloyd at Bea, muling magsasama sa pelikula ngayong 2006!

Lahat ng tatlong pares, may sari-sariling love problems! Pero how do they solve it? Or sosolusyunan pa ba nila at all? Nakakaloka, napaka-sweet, at napaka-ready na ng tatlong pares na ito na ibahagi sa inyo ang kanilang love stories sa iisang pelikula! Ang movie na para sa lahat, mapabagets man o bagets at heart!

Para sa mga estudyanteng humahanap ng huling hurrah para sa kanilang bakasyon, heto ang pelikulang para sa kanila! Para naman sa mga mag-honey, heto ang perfect way para lalong paiinitin ang summer bago ito tuluyang matapos!

‘Yan ang “All About Love!” At pagkatapos ng matagal na paghihintay sa kanila, mapapanood na ito sa May 31 sa buong bansa! Six young superstars in one big summer movie. Sa’n ka pa?

Comments: Post a Comment


SHAKESPEARE r
simple yet beautiful
happy and contented
generous yet selfish
pessimist and optimist... sometimes

CHEEK OF NIGHTr
Lindsay Lohan
HALE
BAMBOO
MYMP
Counting Crows
Senti Songs..

HIS BOUNTY r
SM Leni: sugar, spice & everything nice
KYM: On HIATUS
Pau: With A Smile
Sab: Rain and the Rainbow

Genie in a BOTTLE r
ipod video
digital camera
computer
nokia n90
nokia n70
lots of shoes

Cool Stuff r
Look Closely r
Check 'm out r





BRINKr


PAST LAYOUTSr
Image hosting by Photobucket
Image hosting by Photobucket
Image hosting by Photobucket
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.comGet awesome blog templates like this one from BlogSkins.com